Tuesday , September 17 2024

NLEx reresbak sa Governors Cup

NANGULELAT man ang NLEX sa Commissioner’s Cup, at least ay tinapos nila ang torneo sa isang positibong paraan.

Napanalunan nila ang kanilang huling dalawang laro.

Dinaig nila ang Alaska Milk, 100-92  noong Mayo 24 upang wakasan ang kanilang 13-game losing streak na nagsimula noon pang Enero. Ang huli kasi nilang panalo ay laban sa TNT Katropa sa isang out-of-town game sa Pampanga noong Philippine Cup.

Matapos ang panalo kontra Aces ay tinalo naman nila ang Phoenix, 116-114 noong Mayo 27 upang tapusin ang elims sa kartang 2-9.

Sa ikalawang pagkakataon ay nangulelat ang Road Warriors.

Pero papasok sa season-ending Governors Cup, natural na mataas na ang morale ng mga bata ni coach Joseller “Yeng” Guiao dahil sa nakatikim na nga sila ulit ng panalo. At hindi lang isang panalo kungdi back-to-back.

Pinarating na ng Road Warriors ang kanilang import para sa third conference na si Aaron Fuller upang maaga pa lang ay mapaghandaan na nila ang Governors Cup.

Ang akala nga ng iba ay paglalaruin na ni Guiao si Fuller upang makita na niya ang chemistry ng team. Pero hindi ito nangyari dahil pinatapos ni Guiao kay Wayne Chism ang conference.    Isa pang dahilan ay kung palalaruin agad si Fuller ay maii-scout na kaagad ito ng kalaban. Mawawala na ang element of surprise sa third conference.

So,  nasa ayos na ang mga piyesa para kay Guiao at sa NLEX. Kailangan na lang na magkakilala nang husto ang mga datihan at baguhang manlalaro ng NLEX.

Pero siyempre, kung may puwede pang kunin na iba pang mahusay na players na swak sa sistema ni Guiao bakit ang hindi?

Hindi pa tapos ang build up ng NLEX.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

Carlos Yulo ICTSI

Karagdagang P10M kay Yulo mula sa ICTSI

NAKATANGGAP si Carlos Yulo ng karagdagang P10 milyon mula sa International Container Terminal Services Inc. …

World Dragon Boat Championships ICF

Sports tourism sa Puerto Princesa palalakasin ng World Dragon Boat tilt

HINDI lamang sports development sa dragon boat bagkus ang matulungan ang turismo ng Puerto Princesa …

EJ Obiena Milo A Homecoming

A Homecoming Ceremony

Ang Milo Philippines ay nagsagawa ngayon ng isang homecoming ceremony para kay rank World No. …

Alas Pilipinas Women japan

Alas Pilipinas Women binigyan ng kaba ang siyam na beses na kampeon ng liga sa Japan

IPINAKITA ng Alas Pilipinas Women ang makabuluhang pag-unlad sa maikling panahon, binigyan ang siyam na …

Marlon Bernardino Laos International Chess Open Championship

Filipino & US Chess Master
Bernardino nagkamit ng Ginto sa 3rd Laos International Chess Open Championship 2024

Vientiane, Laos — Muling nagwagi ang 47-anyos na si Filipino at United States Chess Master …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *