Thursday , March 30 2023

Star, TnT llamado sa laban

PINAPABORAN  ang Star at TNT Katropa na makaulit sa Game Two  ng  PBA Commissioner’s Cup quarterfinals mamaya sa  Smart Araneta Coliseum sa Quezon City pagkatapos na tambakan ang kani-kanilang kalaban nitong Lunes.

Magtutuos ang Hotshots at Rain Or Shine sa ganap na 4:15 pm at magkikita ang Tropang Texters at Meralco sa 7 pm main game.

Kung makakaulit ang Star at TNT Katropa ay didiretso na sila sa best-of-five semifinal round.

Noong Lunes ay tinalo ng TNT Katropa ang Meralco. 102-84 at dinurog naman ng Star ang Rain Or Shine, 118-82.

Umaasa si Meralco coach Norman Black na maibabalik ng import na si Alex Stepheson ang kanyang tikas matapos na lumaylay noong Lunes at magtapos lang ng may siyam na puntos at 16 rebounds. Bunga nito ay nalasap ng Bolts ang ikaapat na sunod na kabiguan.

Ang katapat ni Stepheson na si Joshua Smith ay nagtala ng 19 puntos, tatlong rebounds, tatlong assists at dalawang supalpal sa 18 minuto.

Ang Tropang Texters ay pinanguna-han ni Jayson Castro na nagsumite ng 25 puntos, pitong rebounds, pitong assists, tatlong steals at dalawang blocks.

Ang iba pang inaasahan ni TNT coach Nash Racela ay sina Troy Rosario, Roger Pogoy, Moala Tautuaa, Kelly Williams at Ranidel de Ocampo.

Katuwang ni Stepheson sina Chris Newsome, Baser Amer, Reynell Hugnatan. Cliff Hodge at Jared Dillinger.

Matapos naman ang dikdikang laban sa first quarter kung saan nakalamang lang ng tatlong puntos ang Star, 26-23 ay humarurot ang Hotshots sa second quarter at iniwan ang Elasto Painters, 61-40. Umabot pa ng 41 puntos ang abante ng Star, 114-73.

Anim na manlalaro ni coach Chito Victolero ang nagtapos nang may double figures sa scoring at ito ay sina  Ricardo Ratliffe (29), Allein Maliksi (16), Aldrech Ramos (15), Ian Sangalang (12),  Mark Barroca (11) at Jio Jalalon (11),

Si Paul Lee ay nagtala lang ng siyam na puntos pero nagbigay ng sampung assists.

Bagama’t natambakan ay naniniwala si Rain Or Shine coach Caloy Garcia na kaya ng mga bata niya na makabawi upang mapuwersa ang Hotshots sa sudden-death Game Three at mabuhay ang pag-asang maidepensa ang korona.

Ang mga inaasahan ni Garcia ay sina Beau Belga, James Yap, Gabe Norwood, Jay Washington, Jericho Cruz at import Duke Crews.

ni Sabrina Pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *