Sunday , April 2 2023

Ginebra, SMB sasampa sa semis

MADALING daan patungo sa susunod na yugto ang pakay ng Barangay Ginebra at San Miguel Beer kontra magkahiwalay na kalaban sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City ngayong gabi.

Katunggali ng Gin Kings ang Globalport Batang Pier sa ganap na 7 pm pagkatapos ng 4:15 pm duwelo ng Beermen at Phoenix Fuel Masters.

Kapwa may twice-to-beat advantage ang Gin Kings at Beermen bunga ng pangyayaring nagtapos sila sa 1-2 puwesto sa elims. Kung magwawagi sila mamaya ay didiretso na sila sa best-of-five semifinals.

Hangad ng Batang Pier at Fuel Masters na mapuwersa ang kanilang katunggali sa sudden-death sa Huwebes.

Tinalo ng Barangay Ginebra ang  Globalport, 113-97 noong Abril 5. Sa larong iyon, ang original na import ng Globalport na si Sean Williams ay nagtala lang ng 13 puntos samantalang ang kanyang katapat na si Justin Brownlee ay gumawa ng 29 puntos, walong rebounds, pitong assists, apat na steals at dalawang blocked shots.

Si Williams ay pinalitan ni Keith Wright na hinalinhan din ni Justin Harper. Sa pagdating ni Harper, ang Batang Pier ay nagwagi ng tatlong beses sa apat na laro kabilang na ang 107-106 panalo kontra Alaska Milk sa playoff para sa huling quarterfinals berth noong Linggo.

Dinaig naman ng San Miguel Beer ang Phoenix,  110-88 noong Abril 7.

Sa import match-up ay magpapasiklaban sina Charles Rhodes ng Beermen at Jameel McKay ng Fuel Masters.

Katuwang ni Rhodes sina June Mar Fajardo, Arwind Santos, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot at Chris Ross.

Katulong naman ni McKay sina Matthew Wright, Cyrus Baguio, RJ Jazul, JC Intal at Doug Kramer.

(SABRINA PASCUA)

About Sabrina Pascua

Check Also

George Clevic Daluz Golden Goggles swim series

Daluz ng Batangas tatlong medalyang ginto sa Golden Goggles swim series

PINANGUNAHAN ng tubong Batangas na si George Clevic Daluz ang limang promising tanker para sa …

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *