Wednesday , November 30 2022

Star kontra RoS (PBA Quarterfinal Round)

MAHALAGANG makauna sa  isang best-of-three series at ito ay batid ng apat na koponang tampok sa quarterfinal round ng  PBA Commissioner’s Cup mamayamg gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Magtutunggali ang sister teams TNT Katropa at Meralco sa ganap na 4:15 pm. Susundan ito ng salpukan ng Star at Rain Or Shine sa ganap na 6:45 pm.

Ang mananalo mamaya ay puwede nang dumireto sa semifinal round kung makakaulit sa Miyerkoles.

Dinaig ng Star ang Rain Or Shine, 99-93 nang sila ay magkita sa Batangas City noong Mayo 6. Doon nagsimula ang four-game winning streak ng Hotshots kung kaya natapos nila ang elimination round sa record na 9-2 na tulad ng sa San Miguel at Ginebra. Pero dahil sa mas mababang quotient ay nalaglag sa ikatlong puwesto ang Star.

Iyon din ang huling laro ng import na si Tony Mitchell sa Star. Matapos iyon ay hinalinhan siya ng datihang si Ricardo Ratliff.

Ang Rain Or Shine ay galing sa back-to-back na kabiguan buhat sa Globalport ( 107-101) at TNT Katropa (105-102).

Makakaduwelo ni Ratliff ang isa ring datihang si Duke Crews.

Tampok na match-up sa larong ito ang pagkikita nina James Yap at Paul Lee na nagpalitan ng koponan sa simula ng season. Katuwang ni Yap sina Jay Washington, Jeff Chan, Gabe Norwood at Beau Belga. Si Lee ay tutulungan nina Marc Barroca, Ian Sangalang, Allein Maliksi at Jio Jalalon.

Tinalo ng Meralco ang TNT, 94-89 noong Marso 24.

Ang Bolts ay natalo sa huling tatlong laro at sumadsad sa 7-4 sa dulo ng elims. Ang Tropang Texters ay nagtapos nang may 8-3.

Sa import match-up ay magtatapat sina Alex Stepheson ng Meralco at Joshua Smith ng TNT Katropa. (SABRINA PASCUA)

About Sabrina Pascua

Check Also

Maycydel Fajardo Chess

Sa Pozorrubio, Pangasinan
MAYCYDEL FAJARDO, SAMANTHA GLO REVITA, RICHARD DELA CRUZ, MAGKAPATID NA DIMARUCUT SASABAK CHESS TOURNAMENT

MANILA — Kompirmado na ang paglahok nina Maycydel Fajardo ng San Fabian, Pangasinan; Samantha Glo …

Daniel Quizon Chess

Filipino chess whiz naghari sa Asian Juniors blitz tournament

TAGAYTAY CITY — Kinapos si International Master Daniel Quizon sa rapid at standard chess ngunit …

Kim Yutangco Zafra Chess

PH bet Kim Yutangco Zafra naghari sa Estonia chess tourney

ni Marlon Bernardino MANILA — Pinagharian ni Filipino Kim Yutangco Zafra ang katatapos na Tallinna …

Rogelio Joey Antonio Jr Chess

Antonio tumapos sa ninth place

MANILA — Nakamit ni Filipino Grandmaster (GM) Rogelio “Joey” Antonio Jr., ang ninth place honors …

CHECKMATE ni Marlon Bernardino

Tagumpay sa grassroots program

CHECKMATEni NM Marlon Bernardino MATAGUMPAY na naganap ang Inter Cluster Chess Tournament sa Kalawaan Elementary …

Leave a Reply