Tuesday , November 29 2022

Stevenson giniba si Fonfara sa round 2

DINIMOLIS ni Adonis Stevenson si Andrzej Fonfara sa Round Two para mapanatili ang korona sa WBC light heavyweight  na ginanap sa Bell Centre sa Montreal.

Pinabagsak ni Stevenson sa unang round si Fonfara sa pamamagitan ng matinding kaliwa. Sa nasabing yugto ay gahibla nang nakasalba si Fonfara sa uumulang suntok ng kampeon.

Sa Round Two ay lalong naging mabalasik si Stevenson sa kanyang atake at lumanding ang apat na pinakawalang niyang straight  left para tuluyang magiba si Fonfara.

Isinalba ni trainer Virgil Hunter ang kanyang boksingero sa nalalabing 28 segundo nang sumenyas ito sa reperi na sapat na ang gulping inabot ni Fonfara.

Ito ang ikalawang panalo ni Stevenson laban kay Fonfara na tinalo rin niya noong 2014 via unanimous decision.

Sa panalong iyon ni Stevenson ay nag-imprub ang kanyang ring record sa 29-1, 24 knockouts.  Si Fonfara ay sumemplang sa karting 29-5.

About hataw tabloid

Check Also

Rogelio Joey Antonio Jr Chess

Antonio tumapos sa ninth place

MANILA — Nakamit ni Filipino Grandmaster (GM) Rogelio “Joey” Antonio Jr., ang ninth place honors …

CHECKMATE ni Marlon Bernardino

Tagumpay sa grassroots program

CHECKMATEni NM Marlon Bernardino MATAGUMPAY na naganap ang Inter Cluster Chess Tournament sa Kalawaan Elementary …

Bato dela Rosa AFAD arms show

AFAD arms show pinuri ni Sen. Dela Rosa

PINASASALAMATAN ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang isinagawang 28th Defense and Arms Show ng …

Eric Labog Jr chess

Labog nakaresbak sa Asian Juniors

TAGAYTAY CITY — Ginapi ni National Master Eric Labog, Jr., ng Filipinas si International Master …

Angelo Abundo Young Joey Antonio

Young panalo, Antonio natalo

ni Marlon Bernardino MANILA — Tinalo ni International Master Angelo Abundo Young si FIDE Master …

Leave a Reply