Thursday , April 18 2024

Init ng laro ng Hotshots lumamig

MAUULIT ba ang kasaysayan ng Star Hotshots sa Philippine Cup?

Patungo sa dulo ng elimination round ay tinambakan ng Hotshots ang mga nakalaban. Sa quarterfinals ay binugbog nila ang Phoenix.  Ang average winning margin ng Hotshots papasok sa semifinal round laban sa Barangay Ginebra ay higit 30 puntos,

Nakakasindak hindi ba?

Para bang kaya nilang ilampaso ang kahit na sinong makakatapat nila.

Pero humina ang apoy at nabasa ang mainit na baga pagdating ng semis. Nahirapan sila sa Barangay Ginebra at natalo matapos ang pitong laro.

Pitong malulupit na laro ha. Nakalamang pa nga sa serye ang Star, 3-2. Nakaremate lang ang Barangay Ginebra at nagwagi sa huling dalawang games upang ipagkait sa Hotshots ang katuparan sa kanilang pangarap na finals appearance.

Ang tanong: Makakabawi ba ang Hotshots ngayon? O mauulit ang masaklap na karanasang nangyari sa Philippine Cup?

Sakali kasing uusad sila sa best-of-five semifinal round ng Commissioner’s Cup, ang makakalaban nila ay ang powerhouse San Miguel Beer!

Kung hindi nila nagawang makalusot sa Barangay Ginebra, makakalusot ba sila sa San Miguel Beer?

È, doble-doble ang intensity ng Beermen ngayon dahil sa ang Commissioner’s Cup championship na lang ang hindi pa napapanalunan ni coach Leovino Austria.

At kung magtatagumay sila dito ay malamang na makumpleto nila ang kanilang ikalawang Grand Slam!

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Smart Asian Volleyball Confederation Nuvali

Asia’s beach volleyball squads maglalaban sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open

ELITE action returns sa world-class Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa at ang …

Buhain Richard Bachmann

Buhain, umayuda sa HB Bills para sa PH Sports

Pinangunahan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang pagtalakay at pagsuri sa mga isinusulong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *