Thursday , June 4 2026

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

SAF hinikayat ni Cayetano para sa ‘transformative’ role sa bansa

PARA kay Senator Alan Peter Cayetano, maaaring makakuha ng inspirasyon ang ating mga kababayan mula sa Biblia kung paano makakamit ang tunay na pagbabago. Ito ang mensahe ni Cayetano nang magsalita siya sa closing ceremony ng PNP-Special Action Force (SAF) Command Course Class 123-2023 kung saan inihawig niya ang salaysay sa Biblia tungkol sa pag-akay ni Moises sa mga Israelita …

Read More »

Creative & critical thinking ng Pinoy students inaasahang patatalasin ng MATATAG curriculum

MATATAG curriculum

KOMPIYANSA si Senador Win Gatchalian na tataas ang antas ng creative at critical thinking skills ng mga mag-aaral sa pagpapatupad ng MATATAG curriculum simula sa susunod na school year. Ipinahayag ito ni Gatchalian kasunod ng naging resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) sa Creative Thinking, na kasama ang Filipinas sa apat na may pinakamababang marka sa 64 …

Read More »

Most wanted sa statutory rape
68-ANYOS LOLO TIMBOG SA VALE

prison rape

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lolo na wanted sa tatlong bilang ng kasong statutory rape matapos matunton ng pulisya sa kanyang tinitirahan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Valenzuela City police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas Lolo Ley, …

Read More »

Bernil nagpakitang gilas sa Jalosjos chess tournament

Jalosjos chess tournament

Dapitan City, Zamboanga del Norte — Muling nagdala ng karangalan si Noel “Nonoy” Bernil, Jr., sa Tanjay, Negros Oriental matapos makisalo sa unahang puwesto sa  boys’ Under-12 division ng Mayor Seth Frederick “Bullet” P. Jalosjos National Age Group Chess Championships Grand Finals na ginanap sa Dapitan City Sports Complex, Zamboanga del Norte kahapon, 23 Hunyo 2024. Tinalo ng 12-anyos na …

Read More »

Ajido, Mojdeh brothers nanguna sa MOS awardee ng PAI National Championships

Jamesray Mishael Ajido Jasper Mojdeh

PINANGUNAHAN nina Asian junior record holder  Jamesray Mishael Ajido at magkapatid na Mohammad at Jasper Mojdeh ang talaan ng mga itinanghal na Most Outstanding Swimmer (MOS) awardee ng 1st Philippine Aquatics, Inc (PAI) National Age Group Championships nitong Linggo sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila. Si Ajido, 15 anyos, …

Read More »

Muntik mabiktima ng human trafficking 15 katao nasagip ng Navy sa Tawi-Tawi

human traffic arrest

TULUYANG nailigtas ng Philippine Navy sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensiya ang 15 kataong muntik nang mabiktima ng human trafficking sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Bongao, lalawigan ng Tawi-Tawi mula 20-21 Hunyo 2024. Nasagip ang mga biktima matapos dumating sa pier ng Bongao, Tawi-Tawi sakay ng tatlong sasakyang pandagat – MV Trisha Kerstine II, MV Everqueen …

Read More »

Jeep bumaligtad sa Kalinga tsuper, 16 pasahero sugatan

jeepney

SUGATAN ang 17 katao matapos tumaob ang isang pampasaherong jeep habang binabagtas ang pababang bahagi ng kalsada sa Sitio Balangabang, Brgy. Dangoy, bayan ng Lubuangan, lalawigan ng Kalinga nitong Sabado ng umaga, 22 Hunyo. Ayon kay P/Capt. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga PPO, naganap ang insidente dakong 5:20 am kamakalawa. Aniya, patungong lungsod ng Tabuk ang jeep mula sa Brgy. …

Read More »

Magulang tiwalang anak nasa kapitbahay  
1-ANYOS PASLIT NA LALAKI NAHULOG SA BALON PATAY

Balon

PATAY ang isang taong gulang na paslit na lalaki matapos mahulog sa isang balon sa Brgy. Cabadiangan, sa lungsod ng Himamaylan, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Biyernes ng umaga, 21 Hunyo. Ayon kay P/Lt. Col. Anthony Grande, hepe ng Himamaylan CPS, natagpuang walang malay ang biktima sa loob ng isang balon may isang oras matapos magsimulang hanapin siya ng kanyang …

Read More »

Drug den sa Mabalacat city binuwag ng PDEA

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

BINUWAG ng mga ahente ng Pampanga Provincial Office ang isang makeshift drug den at naaresto ang tatlong notoryus na tulak sa Barangay Dau, Mabalacat City, Pampanga kamakalawa ng gabi. Kinilala ng PDEA team leader ang mga nahuling suspek na sina Edwin De Otoy, alyas Kabog, 55 anyos, residente sa Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga; Renan Hernan, alyas Bagsik, 43, residente …

Read More »

Dinukot, binugbog, ninakawan  
71-ANYOS SENIOR CITIZEN TODAS SA ‘TRIP LANG’NG 5 BEBOT AT 3 KELOT
Higit P.3-M cash, alahas kinulimbat

062424 Hataw Frontpage

ni MICKA BAUTISTA HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang senior citizen na napagkatuwaang dukutin, bugbugin, at pagnakawan ng limang babae at tatlong lalaking sinabing mga kawatan sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan kamakalawa ng hapon. Sa ulat na ipinadala kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang biktima na si Herminigildo Estonilo, 71-anyos, …

Read More »

Miss Sta Cruz, waging Ms. Manila ‘24

Aliya Rohilla Ms Manila

HIGIT na nanaig ang ganda, talino, at halagahang may pagkilala sa kakayahang magbahagi ng lakas at pamumuno nang itanghal na Miss Manila 2024 si Aliya Rohilla ng distrito ng Sta. Cruz.  Nangibabaw si Rohilla sa 100 kababaihan sa Maynila na naunang nag-apply para sa prestihiyosong titulo. Personal na iginawad ni Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kay Rohilla ang korona, titulo,  …

Read More »

Toll collection sa Cavitex suspendido nang 30 araw

IPINAHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang magandang balitang natanggap niya mula sa Philippine Reclamation Authority (PRA) — iminungkahi ng ahensiya na suspendehin ang pangongolekta ng toll fee para sa lahat ng uri ng sasakyang daraan sa Manila-Cavite Toll Expressway, na sumasaklaw sa mga lugar ng Taguig, Parañaque, Las Piñas, Bacoor, at Kawit, sa loob ng 30 araw. Bahagi ang …

Read More »

Bamban mayor, 13 pa inasunto sa ilegal na POGO

NAHAHARAP sa isang asuntong kriminal  si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasama ang 13 iba pa, sa sinasabing koneksiyon nila sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) Zun Yuan Technology Incorporated. Sa pangunguna ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), naghain ang awtoridad ng kasong Qualified trafficking laban kay Guo at 13 indibiduwal sa Department of Justice (DOJ) kahapon, 21 …

Read More »

Sa asuntong human trafficking  
MAYOR ALICE GUO KOMPIYANSA VS PARATANG  
Walang ebidensiya para tawaging kasabwat

HATAW News Team NANINDIGAN si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala siyang koneksiyon sa kahit anong Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa kaya maling tawagin na siya ay ‘conspirator’ nang walang matibay na ebidensiya. Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Guo bilang reaksiyon sa kasong Anti-Trafficking in Persons na isinampa laban sa kanya sa Department of Justice (DOJ) …

Read More »

Two DOST Region 02 Women Earn Certification as CagVal RPGRPs

Two DOST Region 02 Women Earn Certification as CagVal RPGRPs 1

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 is proud to announce that two of its empowered women, Ms. Aileen Gonzales and Ms. Rowena A. Guzman, are part of the historic first batch of the Regional Pool of Gender and Development Resource Persons (RPGRPs) for Cagayan Valley. Ms. Gonzales and Ms. Guzman, both Science Research Specialists II, dedicated themselves to …

Read More »

BFP, DILG, and SM Prime empower communities through 1st fire volunteers assembly

SM Fire Volunteers 1

In a demonstration of its commitment to community safety, the Bureau of Fire Protection (BFP) and the Department of Interior and Local Government (DILG) partnered with SM Prime to hold the inaugural Fire Volunteers Assembly at the Mall of Asia Arena on May 30, 2024. This event aimed to honor the dedication of fire volunteers and strengthen collaboration between the …

Read More »

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

Zara Lopez Reece Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, hindi nawawala kay Zara Lopez ang kanyang pananalig sa Diyos. Isa sa pinagdaanan niya kamakailan ay ang paghihiwalay nila ng landas ng ex-partner niyang social media influencer na si Simon Joseph Javier. Umabot din ng almost three years ang relasyon nina Zara at Simon. Ngayon …

Read More »

2nd Gov. Henry S. Oaminal chessfest sumusulong na

2nd Gov Henry S Oaminal chessfest

Clarin, Misamis Occidental — Susubukan muli ng mga nangungunang manlalaro ng chess ng bansa ang kagalingan ng bawat isa sa pamamagitan ng 2nd Gov. Henry S. Oaminal Open Chess Tournament na itinakda sa 9-10 Hulyo 2024 sa AYA Hotel and Residences, Clarin, Misamis Occidental. Hindi bababa sa P355,000 cash prize ang ibibigay sa mga mananalo sa FIDE rapid rated competition …

Read More »

PAI National Age-Group Championships sisimulan sa pagpupugay kay Rivera

Eric Buhain Chito Rivera Jamesray Mishael Ajido

NAKATAKDANG lumarga ngayong araw, Biyernes, 21 Hunyo, ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) 1st National Age Group Championships (PANAGOC) sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa loob ng pamosong Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila. Ang tatlong araw na torneo na magsisimula ngayong araw (Biyernes) ay tatampukan ng mga premyadong junior swimmers ng bansa kabilang sina Asian junior gold medalist at …

Read More »

Pag-order ng E-Sim ng TNT mas pinadali at pinabilis

E-Sim TNT

MAGANDANG balita sa mga TNT subscriber dahil mas pinadali nila ang paraan para maka-order ng e-SIM, ito’y sa pamamagitan ng QR code. Kailangan lamang pumunta sa Smart Online Store  (https://store1.smart.com.ph/view/2695/), para makuha ang TNT eSIM. Pwedeng via mobile o web browser. Kapag nakuha na ng subscriber ang kanyang TNT eSIM, kailangan lang i-scan ang nakalakip na QR code para mai-rehistro. Pagkatapos, maaari nang …

Read More »

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

BGYO

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation ang all-male group na BGYOlaban sa ilang indibidwal na nagpapakalat ng fake news sa social media. Desidido ang mga miyembro ng grupo na panagutin sa batas ang mga taong patuloy na gumagawa ng malilisyosong kuwento at pekeng balita laban sa kanila. Dumulog ang members ng BGYO …

Read More »

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA 7, natanong siya kung sino ang award-winning actress at older sa kanya na ini-stalk niya noon dahil tinamaan siya nang husto? “Kahit ako nakalimutan ko na ‘yan, ah,” sabi ni Gary. Pero natatawang pag-amin niya, “Si Dina. Alam naman ng lahat, eh.” “Siyempre, si Dina Bonnie ‘yon. …

Read More »

Binibining Pilipinas tinapatan The EDDYS

The EDDYS Binibining Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, iyon daw coronation ng Binibining Pilipinas ay gaganapin din sa Hulyo 7. Aba eh ano ang laban nila kung sasabayan nila ang The EDDYS. Mabuti at hindi live telecast ang The EDDYS sa AllTv.  Kasi kung nangyari iyon at sabay pa sila sino nga ba ang manonood sa beauty contest kung ang kasabay mo ay awards night ng mga artista. Mabuti …

Read More »

Sino nga ba si AR dela Serna na laging kasa-kasama ni Harry Roque sa Europe?

AR dela Serna Harry Roque

HATAWANni Ed de Leon MAY ilang nagpadala sa amin ng messages ilang araw na at nagtatanong kung sino raw ba ang modelong si Albert Rudolph dela Serna na umano ay kasama ng dating presidential spokesman Harry Roque sa kanyang trip sa ilang bansa sa Europa. Umano ang lahat ng gastos ni dela Serna sa eroplano, pagkain, medical expenses at kung ano pa ay sagot …

Read More »

David umaming pwedeng main-love kay Barbie

Barbie Forteza David Licauco

MALAYO na talaga ang narating ng BarDa loveteam na sina Barbie Forteza at David Licauco dahil sa sunod-sunod na teleserye ng dalawa na talaga namang nagkiki-click sa masa. Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagawa ng romantic-comedy sina Barbie at David na pinamagatang That Kind of Love.  Istorya ito ng isang love coach portrayed by Barbie na na- inlove sa kanyang mayamang kliyenteng si David. Sa katatapos na grand …

Read More »