Thursday , June 25 2026

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Gina Lopez padaraanin sa butas ng karayom ng Commission on Appointments

KATULAD ng inaaasahan ng Usaping Bayan, inupuan ng boksingerong senador na si Manny Pacquiao at mga amuyong nito ang papel ni Ms. Gina Lopez sa bicameral Commission on Appointments kaya hindi agad naaprubahan ang appointment bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources. Dahil dito ay kailangan muling italaga ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte si Ms. Lopez bilang kanyang kalihim …

Read More »

Makabayan bloc mga utak lumpen

Sipat Mat Vicencio

ROW 4 na, nasa tabi pa ng basurahan. Ganito kabobong maisasalarawan ang Ma-kabayan bloc sa Kamara matapos hilingin ng mga miyembro nito na huwag ituloy ang eviction o pagpapalayas sa grupong  Kadamay na sapilitang inokupahan ang 4,000 housing units sa Pandi, Bulacan. Lilinawin natin, hindi po pag-aari ng grupong Kadamay ang mga housing units na kanilang ino-kupa, at nakalaan na …

Read More »

Ang mahalaga, nakuha ang kasabwat ng Maute sa MM

NAGKATAON man o natsambahan lang ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkakaaresto sa isang miyembro (kasabwat) ng teroristang Maute Group na kumikilos sa Metro Manila, hindi na ito dapat pang pag-usa-pan o pagtalunan ang mahalaga  ay kalaboso na ang isa sa nagkakanlong sa mga miyembro ng Maute na ipinadala para maghasik ng kaharasan sa Metro Manila. Hindi po ba …

Read More »

Anong nangyari sa Immigration?

KAYA raw nagkakawindang-windang pa rin ang Bureau of Immigration (BI) dahil hanggang ngayon naroon pa rin ang mga tirador ni Mison at mga bata ni Sen. Leila De Lima sa office ni Commissioner Jaime Morente na walang ginawa kundi ang mag-isip at gumawa ng pagkakaperahan? Desidido na Justice Sec. Vitaliano Aguirre na top to bottom revamp sa BI. Ang mga …

Read More »

Robredo kabado

DAHIL umano sa “culpable violation of the Constitution” at “betrayal of public trust” hayun mga ‘igan si Robredo, kabado, dahil sa “impeachment complaint” laban sa kanya na inihain nina Atty. Oliver Lozano at Melchor Chavez. Aba’y agad naman itong sinagot ng Spokesperson ni Robredo na si Georgina Hernandez, aniya’y hindi maaaring tawaging “betrayal of public trust” ang ginawa nitong si …

Read More »

Baguio City nilindol

earthquake lindol

BAGUIO CITY – Niyanig ng magnitude 3.0 o intensity 2 lindol ang lungsod ng Baguio dakong 11:34 am, kahapon. Ayon kay Dandy Camero, science research specialist ng Philvolcs-Baguio, naitala ang sentro ng pagyanig sa 6km sa timog, o 67 degrees Celsius sa kanluran ng Baguio City. Aniya, ito ay “tectonic in origin” at may lalim na 15km. Sinundan pa ito …

Read More »

DoLE D.O. 174 mahigpit na ipatutupad – Bello

TINIYAK ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III sa grupo ng mga manggagawa, mahigpit na ipatutupad ng Department of Labor and Employment (DoLE), ang bagong Department Order, na mahigpit na nagbabawal sa labor-only contracting, at iba pang uri ng ilegal na pangongontrata. “Kahit na anong ganda ng order, kung sa implementas-yon e walang saysay, wala ring mangyayari riyan. Ito ang …

Read More »

Revolutionary tax ‘di pa ititigil ng CPP-NPA-NDF

Malacañan CPP NPA NDF

WALANG balak sa ngayon ang National Democratic Front (NDF), na sundin ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na itigil ang koleksiyon ng revolutionary taxes. Sinabi ni National Democratic Front peace negotiator Rey Casambre, ang mga kondisyong itinakda ni Pangulong Duterte sa pagbabalik ng peace talks, ay isasailalim pa sa diskusyon. Ayon kay Casambre, mapapasama ito sa agenda na tatalakayin, at …

Read More »

Dagoy new PSG chief

BANGKOK, Thailand – Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang seremonya sa pagtatalaga kay bagong Presidential Security Group (PSG) commander, Col. Louie Dagoy ngayong hapon, sa PSG Headquarters sa Otis, Paco, Manila. Isasalin ni B/Gen. Rolando Bautista, Philippine Military Academy (PMA) Class ‘85, ang posisyon kay Dagoy, mula sa PMA Hinirang Class 1987. Si Dagoy, kasalukuyang senior military adviser ni Pangulong …

Read More »

P9-B tax evasion case inihain vs Mighty Corp

SINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Mighty Corporation ng tax evasion case sa Department of Justice (DoJ). Aabot sa P9.56 bil-yon ang halaga ng excise tax na ipinababayad ng BIR sa naturang kompanya ng sigarilyo. Kasama sa mga sinampahan ng reklamo ang presidente ng kompanya na si retired Lt. Gen. Edilberto Adan, executive vice president; retired Judge Oscar …

Read More »

Upak sa EJKs ni Leni wa epek sa diplomatic relations

BANGKOK,Thailand – Walang epekto sa diplomatikong relasyon ng Filipinas sa ibang bansa, ang naunang pagtatambol ni Vice President Leni Robredo, na laganap ang patayan sa bansa dahil sa isinusulong na drug war ng administrasyon. Sa katunayan, ayon kay Acting Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, lalong naging matatag ang relasyon ng Filipinas sa lahat ng mga bansa, mula nang maluklok sa …

Read More »

3-araw tigil-pasada banta ng transport groups

jeepney

INIANUNSIYO ng transport group Stop and Go Coalition kahapon, maglulunsad sila ng isa pang transport strike bilang protesta sa plano ng gobyerno na i-phase out ang 15-anyos jeepneys, at pag-modernize sa public transport vehicle. “Magkakaroon kami ng three-day transport holiday. This is again to protest the government’s plan to modernize and phase out jeepneys,” pahayag ni Stop and Go president …

Read More »

Igigiit ni Digong: Western world hands-off sa ASEAN

BANGKOK,Thailand – Ang 11 bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang dapat magpasya sa kapalaran ng rehiyon, at hindi mga taga-Kanlurang nasyon. Ito ang igigiit ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngayong chairman ang Filipinas sa 30th ASEAN Summit, at suportado ang kanyang paninindigan nina Aung Sun Suu Kyi, democracy leader ng Myanmar, at Prime Minister Prayut Chan-o-Cha. “We …

Read More »

Sa isyu ng South China Sea: China, ASEAN maghaharap sa Beijing

BANGKOK,Thailand – MAGSISILBING host ang China sa isasagawang pagpupulong sa 11 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), may layuning magbuo ng framework agreement na magpapatupad ng Declaration of the Conduct sa South China  Sea (SCS). “’Yung meeting na ‘yun will be the ASEAN – China DOC,  ASEAN – China Declaration of the Code of Conduct meeting. They will …

Read More »

PacMan knockout kay Sen. Drilon

Parang mabibigat na upper hook at left hook ang mga salitang nagliparan sa Senado nang magsagupa ang batikang abogado at betaranong mambabatas na si Senator Franklin Drilon at Pambansang Kamao, Senator Manny Pacquaio. “Use your common sense!” “May common sense ako!” “Wala kang alam!” “May alam ako!” Hahaha! Inuurirat kasi ni Senator Drilon — isa sa mga pinatalsik na Liberal …

Read More »

1st tactical & survival expo isasagawa sa Filipinas

ISASAGAWA sa Filipinas ang kauna-unahang Tactical and Survival Expo na layuning turuan ang bawat indibidwal at pamilya kung paano proteksiyonan ang sarili at pamilya gayondin ang ari-arian sa panahon ng sakuna at ano mang banta sa buhay. Ayon kay Gina Marie G. Angangco, Senior Executive Vice President at Deputy Chief Executive Officer (CEO) ng Armscor, napapanahon ang 1st Tactical and …

Read More »

Federer kampeon sa Indian Wells, Kerber, #1 ulit

PINALO ni Roger Federer ang kanyang ika-lawang sunod na kampeonato buhat nang hamigin ang Australian Open nitong Enero nang angkinin ang BNP Paribas Open title sa Indian Wells, California kamakalawa. Ginapi niya ang kababayan sa Switzerland na si Stan Wawrinka, 6-4, 7-5 upang kolektahin ang kanyang ikalimang titulo sa natu-rang torneo at maging pinakamatandang kam-peon sa Indian Wells sa edad …

Read More »

PacMan, tila bilasang isda na inilalako ni Arum (Wala na nga bang patol?)

NITONG nagdaang dekada, tila paborito ng bayan kung pilahan ang putaheng may sahog ni Manny “Pacman” Pacquiao. Kabi-kabila, kaliwa’t kanan, ano mang isla sa arkipelago ng Filipinas o saan mang sulok ng bilog na mundo, patok na patok, walang palya, swak na swak si Pacman sa panlasang pang-karinderia man o mamahaling restaurant. Sino bang mahihirapang i-market ang Fighter of the …

Read More »

Career ng JaDine, ‘di totoong naka-freeze

Jadine

WALANG katotohanan ang mga napapabalitang naka-freeze at wala munang proyekto ang sikat na loveteam nina James Reid at Nadine Lustre. Pagkatapos ng kanilang serye sa ABS-CBN, kaliwa’t kanan ang shows ng JaDine abroad na nililibot ang Amerika habang naghihintay ng panibagong proyekto. Ongoing nga ngayon ang JaDine US tours na nagsimula silang mag- show noong March 17 sa Golden Flushing …

Read More »

Kim Domingo, pinahiya si Meg Imperial

USAP-USAPAN ng mga entertainment press sa isang event ang ginawang pang i-snob ni Kim Domingo kay Meg Imperial. Nangyari ang pang i-snob ni Kim kay Meg sa pictorial ng isang  proyektong pagsasamahan nila. Ang siste, nang makita ni Meg si Kim ay lumapit ito at binati ang sexy comedienne at iniabot ang kamay para makipag-shake hands sabay sabing, ”Hi, I’m …

Read More »

Yen, ikinaloka ang pag-uugnay sa kanila ni Direk Dondon

BAKIT kaya lapitin ng intriga si Yen Santos? Bago siya ma-link sa mga politiko ay sa direktor na si Dondon Santos naman ikinakabit ang pangalan niya dahil nga bakit sa rami ng artistang babae sa ABS-CBN ay siya ang pinili para maging leading lady ni Piolo Pascual sa Northern Lights  A Journey to Love mula sa Regal Entertainment. Matatandaang nagkatrabaho …

Read More »

Sandara, ipinagtanggol ang Pilipinas

NAKATUTUWA si Sandara Park dahil todo pagtatanggol niya sa Pilipinas base sa viral video na may 717,827 views na in-upload ng Team Philippines. Sa programang Battle Trip na ipinalalabas sa Korea ay ipinakita ni Sandara ang kagandahan ng Pilipinas. Sabi ni Dara, “One of the reasons why I introduce the Philippines to ‘Battle Trip’ is people always ask me about …

Read More »

Lhuillier at Calayan, nagsanib-puwersa sa beauty at wellness

NASAKSIHAN namin ang pormal na paglulunsad ng partnership ng Calayan Medical Group Inc., na pinamamahalaan nina Lalen Calayan at Selina Sevilla at ng mag-asawang Michel at Amparito Lhuillier kamakailan na isinagawa sa Hola Espana sa Mandaue City, Cebu. Sa inagurasyon ng MLCalayan Skincare and Aesthetics Center, sinabi kapwa nina Lalen at Selina gayundin ng mag-asawang Lhuillier na palalawakin at palalakasin …

Read More »