Thursday , June 4 2026

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Dahil talunan sa ratings game: serye ng isang network kukuha ng maraming publicist para kaliwa’t kanan ang releases

ALIW na aliw kami sa programang talunan sa ratings game dahil siguro wala namang puwedeng isulat tungkol sa serye kaya tungkol na lang sa personal life ng mga bida ang nababasa namin. Nagkatinginan kami ng kausap naming TV executive habang binabasa ang tungkol sa cast ng talunang programa dahil wala namang kinalaman sa serye nila ang write-ups tulad ng bagong …

Read More »

Aktres, bangungot kapag sinisingil na

blind item woman

BANGUNGOT kung ituring ng isang travel agency ang makatransaksiyon angaktres na ito. Sukat ba naman kasing pagkarami-raming ticket kung bumili papunta sa kung saan-saan, utang naman! “Hay, naku, ‘kalurky talaga ang aktres na ‘yon na kung magpa-book ng kanyang flight, eh, bitbit yata ang buong barangay! Imagine, nasa 30 katao ang kasama niya sa tuwing magpapa-book siya ng flight. Siyempre, …

Read More »

Kuwentong Ahron at Cacai, may kasunod pa

ANO ba naman iyang sagutan nina Ahron Villena at Cacai Bautista? Wala na kasi eh. Tapos na ang mga usapang iyan, hanggang sa may nabanggit na naman si Kakai na hindi naman mapalampas ni Ahron na naniniwalang walang pakialam ang kahit na sino sa mga bagay na personal na. Simple lang naman ang naging tanong ni Ahron kay Kakai, ”bakit …

Read More »

Vilma, ‘di nakaiwas sa maraming pagbati sa Kongreso

Vilma Santos

KAHIT pala sa Kongreso, marami ang bumabati kay Congresswoman Vilma Santos sa kanyang pananalo ng awards sa showbiz. Dalawa nga namang magkasunod iyon. Siya ang napiling best actress sa kauna-unahang The Eddys, tapos binigyan naman siya ng lifetime achievement award ng Manunuri. Ngayon bibigyan naman siya ng award ng PMPC dahil sa naging kontribusyon niya bilang artista sa movie writing …

Read More »

OFW show ni Mrs. Dantes, ginawa ng fantaserye

SA kabila ng ginastusan nang paunang promo blitz, ang dapat sana’y bagong TV assignment ni Mrs. Dantes na tumatalakay sa buhay ng mga OFW ay ginawa ng isang fantaserye. Tsk, tsk, mukhang hindi talaga ”itinadhana” para sa kanya ang OFW-inspired show. Eh, kasi naman, pinaiingay pa lang ang nasabing proyekto like someone greeting the world, ”Hi, tadhana!” ay nagmistula na …

Read More »

Rebelasyon ng tagapagtanggol ng umano’y biktima ni Belleza, maraming loopholes

ISANDAAN at dalawampung libong piso ang inilagak na piyansa ng Tawag ng Tanghalan champion na si Noven Belleza sa kanyang pansamantalang paglaya kaugnay ng kasong sexual assault na isinampa laban sa kanya ng isang babaeng taga-Cebu. Pero nagtataka kami sa mga samo’tsaring reaksiyon sa social media. Sa halip kasi na umani ng pambabatikos si Noven sa umano’y krimeng kanyang ginawa …

Read More »

Albert, aminadong nahirapang i-portray si Prof. Theodore; 5 taon ang hinintay para muling makatrabaho ang KathNiel

PALAISIPAN kung ano talaga ang karakter ni Professor Theodore Montemayor na ginagampanan ni Albert Martinez sa La Luna Sangre. Isa ba siyang kakampi ng mga tao, lobo, bampira o kaaway ng lahat? Ito ang tanong ng mga sumusubaybay ng serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na napapanood sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano. Pero inamin ng aktor na …

Read More »

Ms. Gloria Romero, dream come true na makatrabaho si Coco Martin

TUWANG-TUWA si Coco Martin na makakasama sa kanyang unang pagdidirehe at pagbibidahang pelikula, Ang Panday ang ilan sa mga itinuturing na iconic stars tulad nina Jaime Fabregas, Jonee Gamboa, at Ms. Gloria Romero. Hindi nga maitanggi ni Coco ang excitement nang mapa-oo si Ms. Romero para makatrabaho. Matagal na rin kasing gustong makatrabaho ng magaling na actor ang isa sa …

Read More »

11 kelot timbog sa smoking ban sa Pasay

yosi Cigarette

NASAMPOLAN sa unang araw ang 11 lalaki sa pagpapatupad ng nationwide smoking ban makaraan mahuli nitong Linggo ng hapon sa Pasay City. Sa report kay Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., mula kay Pasay City Police Community Precinct commander, Chief Inspector Rommel Resurreccion, ang mga nahuli ay sina Armando Nuevo, 36; Severino Capasa, 71; Simon Barrameda, …

Read More »

2 parak timbog sa boga (Sa Tondo bar)

gun shot

ARESTADO ang dalawang pulis makaraan magpaputok ng baril sa isang videoke bar sa Tondo, Maynila, nitong Lunes ng madaling-araw. Salaysay ng mga tauhan sa bar, lasing at nakasibilyan sina SPO2 Ryan Marcelo at PO2 Ramada Mupa nang dumating sa lugar. Pagkaraan ay biglang naglabas ng baril ang dalawang pulis nang batiin sila ng dalawa pang kustomer na kanilang kakilala. “Sabi, …

Read More »

5-anyos ginahasa’t pinatay ng 13-anyos (Bangkay isinako)

crime scene yellow tape

NATAGPUAN ang bangkay ng isang 5-anyos babaeng paslit na hinihinalang ginahasa at pinatay ng 13-anyos binatilyo sa San Jose del Monte City, Bulacan, kamakalawa. Nakita ang bangkay ng biktimang si “Mika” sa loob ng sako ng bigas na iniwan sa damuhan. May nakapulupot na cable wire at strap ng bag sa leeg ng biktima. Kuwento ng ina ng bikima, naglalaro …

Read More »

Inmate sa NBP iniutos ilipat

INIUTOS ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagbabalik sa mga bilanggo sa kanilang orihinal na detention facility at inaprobahan ang paglilipat ng mga preso sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Sa ilalim ng Department Order 496, iniutos ni Aguirre sa Bureau of Corrections (BuCor) na agad ibalik ang mga preso na dating inilipat mula sa Building 14 patungo …

Read More »

New SAF contingent idineploy sa Bilibid

ISANG batalyon ng contingent ang idineploy ng Philippine National Police Special Action Force bilang kapalit ng daan-daang police commandos na nagbabantay sa New Bilibid Prison sa gitna ng mga ulat nang pagnumbalik ng illegal drug trade sa loob ng national penitentiary. Nitong Lunes, sinabi ni Justice Undersecretary Antonio Kho, Jr. sa mga mamamahayag, na ang bagong SAF contingent ang pumalit …

Read More »

Sundalo patay sa NPA sa Mauban, Quezon

dead gun police

MAUBAN, Quezon – Patay ang isang sundalo makaraan makasagupa ang mga miyembro ng New People’s Army sa bayang ito, nitong Lunes ng umaga. Nagpapatrolya ang Alpha Company ng 76th Infantry Batallion ng militar, nang makasagupa nila ang nasa pitong rebelde sa Brgy. Cagsiay 2. Makalipas ang 10 minutong bakbakan, dumating ang dagdag-puwersa ng mga sundalo at pulis, dahilan para umatras …

Read More »

Direktiba inihayag sa SONA

ILEGAL na droga, pagmimina, rebelyon sa Marawi at deklarasyon ng martial law sa Mindanao, pederalismo, death penalty, usapin ng West Philippine Sea, bagyong Yolanda, nakaambang “The Big One, human rights victims. Ito ang ilan sa mga tinalakay at nilalaman ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Iginiit ni Duterte na tuloy ang kampanya laban sa …

Read More »

Responsible mining iginiit ng pangulo

BINANTAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mining company sa kabila na mayroong kompletong papeles sa operasyon, at kinakailangan maging responsable sila. Banta ni Duterte, sakaling mabigo, mapipilitan siyang singilin nang mahal na buwis. Ipinunto ni Duterte, sa kabila ng malalaking kinikita ng mga kompanya ng pagmimina ay bigo na matiyak na mapapangalagaan ang kalikasan at kapaligiran na pinagkukuhaan …

Read More »

TRO sa RH Law hiniling sa SC (Gamot malapit nang mag-expire)

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Korte Suprema na ipawalang bisa ang temporary restraining order (TRO) sa Reproductive Health Law upang mailarga nang husto ang responsible parenthood. Sa kanyang ikalawang SONA, sinabi ng Pangulo sa harap ng Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na inatasan niya si Health Secretary Paulyn Ubial na maghanap ng bansa kung saan puwedeng i-donate …

Read More »

Ayaw ko na kayong kausap — Duterte (Sa ambush ng NPA sa PSG)

SINUMBATAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maka-kaliwang grupo sa pag-ambush ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga kagawad ng Presidential Security Group (PSG) sa Arakan, North Cotabato kamakailan. Matapos ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) kagabi ay lumabas si Duterte sa gusali ng Batasan Pambansa at sinabi sa mga raliyista na wala na silang kakausapin …

Read More »

17th Congress 2nd regular session pormal nang binuksan

PORMAL nang nagbukas ang sesyon ng Senado sa ilalim ng 17th Congress sa 2nd regular session nito, pinangunahan ni Senate President Koko Pimentel, at 19 pang senador. Tanging sina Senador Antonio Trillanes, kasalukuyang nasa ibang bansa, at Senadora Leila de Lima, kasalukuyang nakakulong, ang wala sa sesyon ng Senado. Dalawampu’t dalawa na lamang ang mga senador makaraan tanggapin ni dating …

Read More »

Balangiga Bells ibalik ninyo — Digong sa US (Sa ikalawang SONA)

“IBALIK ninyo ang Balangiga bells, amin iyon.” Ito ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) kahapon, sa ninakaw na Balangiga bells ng mga sundalong Amerikano noong 1901 sa panahon ng Fil-Am war. “The church bells of Balangiga were seized by the Americans as spoils of war. Give us back those …

Read More »

Libreng IDOLE card para sa OFWs naunsiyami?! (Biglang binawi ni Labor Sec. Bebot Bello)

ABA, sa sobrang bilib namin sa IDOLE (identification card for overseas Filipino workers) na ipapalit sa Overseas Employees Clearance (OEC) agad nating pinuri sa ating kolum nitong nakaraang linggo. Natuwa kasi ang inyong lingkod dahil malaking tulong ito sa itinuturing nating “Bagong Bayani” — ang mga OFW. Ang sabi pa nga, libreng ipamimigay ito at ipadadala pa raw sa mga …

Read More »

Congressman ‘Boy Tulog’ sa kongreso

WALAND’YO, kasarap palang matulog at mukhang humihilik pa sa nakaraang deliberasyon sa martial law extension. Hindi lang natin alam kung may tumutulo pang laway… Hik hik hik! Ang tinutukoy po natin, ay si LPGMA party-list Rep. Arnel Ty. Ang kawatan ‘este kinatawan ‘umano’ ng marginalized sector na mula nang maupo sa Kamara ay lalo pang nagmahal ang presyo ng liquefied …

Read More »

Nasabotahe ba ang clean-up drive ni Mayor Erap?

Ang dami talaga naming tawa nang mapanood namin sa ABS-CBN ang huli sa aktong photo op ng tropa ni Mayor Erap Estrada kasama ang grupo ng Rizal Park Hotel (dating Army Navy Club). Huling-huli sa akto ni Miss Jasmin Romero ng TV Patrol na itinatapon ng ilang kamote ang isang sakong basura sa Manila Bay. Pero ang nakagugulat na kasunod …

Read More »