Enrique binanatan, sinabihang isnabero at bastos
GRABE ang mga basher sa social media. Pati picture na hindi nakatingin si Enrique Gil ay hindi nila pinalalampas. Kesyo isnabero at bastos ito. Hindi man lang maglaan ng ilang minuto sa pagpapakuha ng photo.
Buti na lang nag-explain βyung faney na nag-upload na hindi pa ready si Enrique noong mag-click ang camera habang nakikipag-selfie.
Dapat maging responsable naman tayo sa social media. Hindi βyung may masabi lang at makapanghusga. Kawawa naman ang mga artista na agad-agad nilalait na walang sapat na dahilan.
Masuwerte pa nga ang mga Pinoy dahil nakaka-eperience pa tayo na makapagpa-selfie sa mga artista. Hindi nagagawa βyan ng mga humahanga sa mga kinababaliwang Korean stars dahil sa higpit ng mga handler nila.
Pak!
(ROLDAN CASTRO)
