Friday , January 21 2022

hataw tabloid

2 tumba sa pandemya sa Malabon

DALAWA ang binawian ng buhay dahil sa CoVid-19 sa Malabon City nitong 5 Enero na sa kabuuan ay umakyat sa 233 ang COVID casualties ng siyudad. Ayon sa City Health Department, ang mga namatay ay mula sa Barangay Longos at Potrero. Samantala, 16 ang nadagdag na confirmed cases at 6,095 ang positive cases sa Malabon, 41 dito ang active cases. …

Read More »

Tarot cards: Card ng Eight of Cups

TUNGKOL sa hindi paggalaw at pisikal o mental na karamdaman ang card ng ‘Eight of Cups.’ Nagsasabi ng mahalagang mensahe ang card na ito na hindi na makabubuting manatili ka pa sa kasalukuyan mong kalagayan. Sa kadahilanang hindi na ito maaayos o walang pag-asa na maayos pa. Dapat ayusin ang sarili at magsimula muli, gaano man kabigat ang gagawin mo …

Read More »

Lalaki sa Olongapo natagpuang patay sa kanal

NATAGPUAN ang isang lalaking wala nang buhay sa isang kanal sa lungsod ng Olongapo, lalawigan ng Zambales, nitong Miyer­koles ng umaga, 6 Enero. Kinilala ng mga awto­ridad ang bangkay na si Gener Ramos, 55 anyos, residente sa Brgy. Maba­yuan, sa naturang lungsod. Nadiskubre ang katawan ni Ramos dakong 6:30 am sa isang kanal malapit sa outpost sa Barangay Gordon Heights. …

Read More »

Sunog sumiklab sa Zambo City 100 pamilya nawalan ng tirahan

HINDI bababa sa 100 pamilya sa Brgy. Tetuan, sa lungsod ng Zamboanga, ang nawalan ng tirahan nang masunog ang kanilang mga bahay pasado 11:00 am, kahapon, 6 Enero. Ayon kay Maria Socorro Rojas, city social welfare and development officer, pansamantalang sumisi­long ang mga apektadong pamilya sa isang paaralan. Matatagpuan ang baha­yang tinupok ng apoy katabi ng planta ng softdrinks tatlong …

Read More »

3,000 health workers umapela sa Cebu LGU Sinulog kanselahin

NANAWAGAN ang grupo ng mahigit sa 3,000 doktor at medical professionals sa pamahalaang lungsod ng Cebu na ipagpaliban ang mga aktibidad na magiging dahilan ng pagtitipon ng mga tao para sa kapistahan ng Sinulog sa 17 Enero. Bagaman bumaba ang bilang ng mga kaso ng CoVid-19 sa lungsod sa nakaraang mga buwan, pinaalalahanan ng Cebu Medical Society (CMS) ang mga …

Read More »

Sundalong senglot nag-amok, superior pinatay (Pinaalalahanan sa kanyang tungkulin)

BINAWIAN ng buhay ang isang opisyal ng Philippine Army sa kamay ng nag-amok na kapwa niya sundalo nitong Martes, 5 Enero sa loob ng kanilang kampo sa lungsod ng Zamboanga. Ayon kay P/Maj. Edwin Duco, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula regional police, lumabas sa imbestigasyon na nagalit ang suspek na kinilalang si Private First Class Herbert Antonio nang pagsabihan ng kaniyang …

Read More »

P1.6-B pandemic funds dapat ipaliwanag ni Mayor Malapitan

Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

PINAGPAPALIWANAG ng mga konsehal si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan kung saan-saan at paano ginamit ang mahigit P1 bilyong supplemental budget na inaprobahan ng konseho para tugu­nan ng lokal na pama­halaan ang pangangai­langan ng mga mama­mayan sa panahon ng pandemya. Sa ipinadalang liham nina City councilors Christopher Malonzo, Ma. Rose Mercado, Alexander Mangasar, Ricardo Bagus, at Marylou Nubla, pinaalalahanan nila …

Read More »

Babae naatrasan ng nakaparadang kotse, patay

road traffic accident

BINAWIAN ng buhay ang isang babae matapos maatrasan ng isang nakaparadang kotseng walang sakay sa bayan ng Aguilar, lalawigan ng Pangasinan, nitong Lunes ng gabi, 4 Enero. Nabatid na biglang umandar paatras ang sasakyang nakaparada sa isang elevated parking lot at nagulungan ang biktimang nakatayo sa likod nito na kinilalang si Aida Reyes, 56 anyos, dakong 7:45 pm kama­kalawa, sa …

Read More »

3 senior citizen, todas sa sunog (Sa Davao City)

PATAY  ang tatlong senior citizens sa sunog na sumiklab sa Phase 1, Central Park, sa lungsod ng Davao, noong Lunes ng hapon, 4 Enero. Kinilala ni Davao City Fire District Intelligence and Investigation Chief, SFO4 Ramil Gillado, ang mga biktimang sina Claudio Libre, 81 anyos; Gloria Aurora Libre, 79 anyos; at Angelo Ouqialda, 60 anyos. Ayon kay Gillado, sumiklab ang …

Read More »

30% capacity rule, dapat sundin ng Quiapo Church (Sa pista ng Itim na Nazareno)

HINDI pumayag ang pamahalaan sa mga apela ng ilan na gawing 50 porsiyento ang capacity na papaya­yagang makapasok sa Quiapo Church para sa lahat ng deboto na makikiisa sa pista ng Itim na Nazareno. Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, kailangang sundin ng mga deboto, gayundin ng simbahan ang parehong patakaran na umiiral. Hanggang 30 porsi­yen­to lang aniya ang maaaring …

Read More »

P13.5-B budget para sa libreng bakuna vs CoVid-19 segurado sa bawat residente (Taguig kasado na)

INILATAG na ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang 2021 recovery budget na nagkakahalaga ng P13.5 bilyon kasama rito ang bakuna kontra CoVid-19 na P1 bilyon. Ipinaalalahanan din ang mamamayan na ang bakuna ay isa lamang parte ng programa upang sug­puin ang CoVid-19. Sa ilalim ng P1-bilyon programang baku­na, sinisiguro na ang bawat mamama­yan ng Taguig ay mag­ka­karoon ng libreng bakuna. …

Read More »

Garcia bida sa Balinas-Pichay online chess

NAGKAMPEON  si International Master Jan Emmanuel Garcia ng Manila sa katatapos na Grandmaster (GM) and Attorney (Atty) Rosendo Carreon Balinas Jr. and Mayor Maria Carla Lopez Pichay online chess  tournament nung Linggo, December 27, 2020. Si Garcia na taglay ang  lichess handle na IM Nyxnyxnyxnyxnyx ay nakakolekta ng 101 points sa 41 games para sa win rate  68 percent at …

Read More »

Lomachenko asar kay Garcia

NAKAPANAYAM ng Snow Queen LA ang dating pound-for-pound king Vasiliy Lumachenko at nagpahayag ito  ng ilang pananaw sa mga kapwa elitistang boksingero sa lightweight division. Pinuna  ni Lomachenko (14-2, 10 KOs) si Ryan Garcia na ipinakakalat na naging matamlay siya sa naging  sparring nila kung kaya natalo siya kay Teofimo Lopez.   Katunayan ay hindi humarap si Garcia sa footage ng …

Read More »

Pinay warrior nasa Top 5 ng MMA fighters ng 2020

HINDI maikakaila na naging mahirap para sa lahat ang 2020, pero kahit ano pa ang disaster na  nangyari, pinatunayan ng mga atleta ng ONE Championship ang kanilang dedikasyon para magtagumpay. Kahit pa nga nakaam­ba ang pandemic, hindi sila nagpabaya para makipaglaban hanggang sa makamtam nila ang kanilang minimithing pangarap. Mula sa ‘unbeaten streaks’ patungo sa World Titles victories, ang mga …

Read More »

Kasunod ng military ops vs NPA 300 residente sa Capiz nagbakwit

NAPILITANG magbakwit ang halos 300 indibiduwal mula sa bayan ng Tapaz, sa lalawigan ng Capiz, matapos ang operasyon laban sa ilang hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa lugar, kung saan napaslang ang siyam katao. Tinatyang 60 pamilya o halos 300 katao mula sa Barangay Lahug nitong Biyernes, 1 Enero ang mapilitang lumikas dahil sa takot kasunod ng ope­rasyong nangyari …

Read More »

Konduktora, lalaki patay sa nagliyab na bus sa QC (Likido ibinuhos ng ‘pasahero’)

nina ALMAR DANGUILAN/MICKA BAUTISTA DALAWA katao ang nalitson nang buhay habang apat katao ang sugatan kabilang ang bus driver nang sabuyan ng isang pasaherong lalaki ng likidong hinihinalang gaas o ethyl alcohol ang babaeng konduktor, saka sinilaban sa bahagi  ng Commonwealth Avenue, Quezon City, nitong Linggo ng hapon. Patay ang kondukto­ra na kinilalang si Ame­lene Sembana, at isang hindi pa …

Read More »

Mag-utol na paslit nilamon ng apoy (Sa Araw ng Pasko)

PATAY ang dalawang batang edad 3 anyos at 4 anyos nang masunog ang kanilang bahay noong araw ng Pasko, 25 Disyembre, sa bayan ng Tubod, lalawigan ng Lanao del Norte. Ayon kay P/Maj. Salman Saad, tagapagsalita ng Lanao del Norte police, ikinandado ng mga magulang ng magkapatid ang bahay at tanging kasama lang nila sa loob ay isang nakataling aso …

Read More »

Ronda Rousey may ‘bf’ na

MASAYA sina Ronda Rousey at Dana White nang tanungin sa UFC  press conference kung nanana­tiling ‘single’ ang MMA legend. Sa nasabing presscon ay nagdesisyon ang isang sports columnist  na tanungin ang 33-year old former MMA superstar tungkol sa kanyang personal na buhay at ibig nitong malaman kung ano na nga ba ang status niya pagkatapos ng makulay na career. “Ronda, …

Read More »

San-En Neophoenix giba sa Akita

TUMUKOD ang huling remate ng San-En NeoPhoenix para makuha ng Akita Northern Happinets ang panalo 89-79 nitong Biyernes, Araw ng Pasko sa Filipinas,  sa pagpapatuloy ng 2020-21 B. League sa CAN Akita Arena. Sa huling quarter ng laban, lamang ng 14 puntos ang Akita.  Bumaba iyon sa anim na puntos  pero nagsilbing bombero si Alex Davis na agad pinatay ang …

Read More »

Panico KO kay Magomedaliev

SINIGURO ni Raimond Magomedaliev na ang magiging susunod niyang laban ay sa One welterweight world title challenger na. May pasakalye si Magomedaliev na tubong Russia nang gibain ang  walang talo at baguhang si Edson “Panico” Marques sa kanilang bakbakan sa One: Collision Course II, inirekord ang event mula Singapore at inere noong Biyernes, 25 Disyembre. Umentra ang Brazilian sa kontes na …

Read More »

Aktor, todo deny pa rin sa P10k at  P20k na bayad sa kanyang ‘sideline’

AYAW pang aminin ng dating male star ang kanyang “sideline.” Iginigiit pa rin niyang hindi siya “bayaran.” Pero paano kaming maniniwala eh may nagpakita sa amin ng kanyang text message na sinasabi niyang P20k ang gusto niyang ibayad sa kanya. Pati na ang sagot ng kanyang inalok na “maski P10k hindi kita babayaran.”              Ang akala yata ng dating male star ay …

Read More »