ANG akala namin, born again na ang isang supporting actor na noong araw ay gumawa rin ng sexy roles sa mga pelikulang indie. Kasi nga sinasabi niyang nagbago na ang kanyang buhay, lalo na at may pamilya na siya ngayon kaya nga matino na ang kanyang dating.
Minsan gumagawa pa rin siya ng mga character role maging sa pelikula o telebisyon, pero wala na iyong sexy. In the first place medyo may edad na rin naman siya.
Pero nagulat kami sa kuwento ng isa naming source na nagsabi sa amin, hindi na nga raw nagpapa-sexy sa pelikula ang male actor, pero “suma-sideline” naman.
Ibig sabihin, may mga pagkakataong nakikipag-date pa rin siya sa mga matrona at maging sa mga bading, for the right price.
Ganoon?
( Ed de Leon )