REALITY BITES
ni Dominic Rea
NADAGDAGAN na naman ang autoimmune disease ni Kris Aquino. Dati dalawa lang, ngayon apat na.
Kinompirma ito ni Balsy, sister of Kris sa naging pahayag nito lately na pinagpiyestahan na naman.
Lalo pa raw pumayat si Kris but no worries dahil patuloy na lumalaban si Kris para sa kanyang mga anak.
Sa latest news na ito, marami ang nagtatanong, hanggang kailan lalaban si Kris sa kanyang kalagayan? Dasal lang para kay Kris na malampasan niya ang lahat ng ito.