Thursday , June 25 2026

Hashtags, dinagdagan pa ng 10 miyembro

INILUNSAD na formally ng Hashtags ang kanilang debut album under Star Records. Siyempre, simula nang ilunsad ang grupo sa daily noontime show na It’s Showtime ng ABS-CBN ay rumatsada na sila sa kani-kanilang raket na minsan ay grupo at kadalasan naman ay kanya-kanya.

Rumatsada sila actually at instant ang kanilang kasikatan kaya naman hindi natin maitagong nakapag-umpisa ng makapag-ipon ang ilan sa kanila at nagkakaroon na ng magandang buhay huh. Kaya naman dahil sikat na sila at marami na ring followers, hindi na nagdalawang-isip ang Star Records na bigyan sila ng sariling album.

Ang nakalulungkot lang na balita about this group, may nakarating kasi sa amin na tapos na raw nagpa-audition ang Showtime production para naman sa idaragdag pa sa grupo. Meaning, magiging 20 na ang miyembro ng Hashtags.

Ano na ang mangyayari sa original members nito kung totoo ang usap-usapang ito? Sariling akin lang, kung totoo man ito, huwag naman sana dahil hindi pa naman ganoon ka-established ang mga bagets at nag-uumpisa pa lang. Mahirap kasi kapag ganyan ang sistema na instead na intact sila, magkakaroon ng intrigahan kapag nadagdagan pa. At saka sa raket, mag-aagawan na talaga sila.

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …