Thursday , June 4 2026
Blind Item, Mystery Man in Bed

Dating male sexy star gustong hiwalayan asawang itinuring siyang boytoy

ni Ed de Leon

MATINDI ang tsismis, gusto raw hiwalayan ng isang dating male sexy star ang kanyang asawa. 

Actually pinakasalan niya iyon dahil sa paniwalang dadalhin siya niyon sa Japan para pareho silang makapag-trabaho roon. Pero na-reject siya, dahil ang asawa pala niya ay may naunang pinakasalang iba at wala namang naipakitang Cenomar, kaya lumalabas na hindi valid ang kanilang kasal. Ang isa pang matinding reklamo ng dating male sexy star, ginagawa raw siyang parang boytoy lang ng kanyang asawa.  Ayaw niyong magtrabaho siya. Kaya umaasa lamang siya roon, pero ginagawa naman siyang parang boytoy lamang. 

Ang matindi, nagpunta ang dating male sexy star sa isang showbiz gay na dati rin niyang nakarelasyon, at gusto niyang tumira muna sa bahay ng bading habang wala pa siyang nakukuhang trabaho. Hindi naman pumayag ang bading dahil natatakot siyang eskandaluhin ng mataray na misis ng sexy male star, at saka dahil may boiyfriend na siyang bagets.

Medyo forgets na rin kasi ang dating male sexy star.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …