Thursday , June 4 2026
Kris Aquino

Kris magpagaling muna, delikado ang maglabas-labas

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATAWA kami roon sa kuwento, gusto pa raw sumama ni Kris Aquino sa relief and rescue operations sa mga biktima ng baha eh hindi pa nga siya makalabas sa ospital dahil sa katakot-takot na sakit niya. Mayroon siyang auto immune problem, hindi ba niya alam na makasagap lang siya ng sipon o ubo maaari niya iyong ikamatay? Siya na rin ang nagsabi na mahina na ang mga buto niya. Umatake rin ang gout niya. Baka akala niya kung madulas siya at mahulog ngayon ay kagaya lang niyong nalaglag siya sa stage ng GMA Supershow noon.

Kung ngayon mangyayari iyon sa kanya ewan kung ano ang kahahantungan niya. Akala ba niya kung makikita siya ng mga tao na nasa relief operations kahit na may sakit siya ay maibabalik pa ang yellow fever? Naku mahirap na iyan iha, halos wiped out na nga ang mga dilaw ngayon, iyong dating dilaw naging pink, ngayon naging LGBT colors na yata. Maliban kung sasabihin niyang sawa na siya sa buhay, mas mabuting manahimik na lang muna siya at magpagaling. 

Noong araw na nagkaroon ng lupus iyong matandang Marcos, ginagawa nilang malaking issue, eh ngayon mayroon na rin siya niyon.     

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …