Wednesday , June 24 2026
Cinema One Vivamax VMX

Dating brand manager ng Cinema One lumipat na ng Vivamax

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO pa nga ba ang aasahan mo sa ABS-CBN, pati pala iyong dating brand manager nila sa Cinema One umalis na at lumipat sa Vivamax. Ano nga ba naman ang gagawin mo sa isang cable channel na mahina na rin naman dahil wala halos mailabas na bagong pelikula. Wala na ring puhunan dahil sarado na ang ABS-CBN na siya nilang pinagkukunan ng budget. Wala na rin halos ginagawa ang kanilang Star Cinema, kasi wala na ring pera. Lahat kasi ng kompanya nila ay naging subsidiary lang ng ABS-CBN, kaya kahit na kumita noong araw, balik din ang kinita sa ABS-CBN, eh nasara?

Ang tanong nga ngayon “quo vadis?” Saan ka pupunta? Kahit na medyo mababa ang posisyon at medyo mas maliit ang suweldo kaysa dating kita. Aba mas ok na iyan kaysa wala kang kita dahil nakasiksik ka sa isang saradong kompanya na patuloy na nalulugi. Pinipilit nilang mag-survive kahit na halos imposible na, para makapanatili sa posisyon ang mga amo, sabihin mo mang patuloy na nababaon sa utang ang mga kapitalista. Nagtatrabaho lang naman din sila, hindi naman sila ang may-ari. 

Bahala ang may-ari hanggang sa malubog sila sa utang at saka na lang siguro mag-declare ng bankruptcy at magsara na ng tuluyan. After all hindi mo naman masasabing balasubas sila o manunuba. Eh talagang walang pera dahil nalugi na eh. Ipinasara sila nang mapaso ang kanilang prangkisa at hindi na pinahintulutan ng dating presidente Rodrigo Duterte na mabuksan pa. Nayari sila ni Quiboloy na owner of the universe nang sabihin  niyong “stop” dahil hinamon ni Vice Ganda na patigilin ang AngProbinsiyano. Na sinagot naman ni Quiboloy ng “hindi lang ang ‘Ang Probinsiyano,’ patitigilin ko ang buong network ninyo.”

Mabuti nga hindi pa niya sinundan ng, “hindi mo ba alam na ako ang may-ari ng kaluluwa ninyo?”

Kung lindol at bagyo nga nasabihan niya ng stop sa paniwala niya eh, si Duterte pa ba na kinikilala siyang spiritual adviser at ngayon ay tagapamahala ng lahat ng properties niya na hindi sumunod sa kanya basta sinabi niyang “Stop ang ABS-CBN.”

Iyon nga lang, si Vice na naghamon patuloy pa ring kumikita kahit nalulugi na ang ABS-CBN at patuloy na nababaon sa utang, mas marami ang nawalan ng trabaho at wala nang pinagkakakitaan.

Minsan maniniwala ka rin sa kasabihang Karma is real. Diyan din naman kasi sa ABS-CBN, maraming “na-Sandro Muhlach” hindi nga lang nagreklamo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …