Friday , October 11 2024
Sandro Muhlach

Sandro nanganganib mabaligtad

HATAWAN
ni Ed de Leon

TAMA ang sinasabi namin noong una pa, mababaliktad iyang si Sandro Muhlach. Ngayon ano ang sinasabi ng dalawang baklang inaakusahan niya ng panghahalay?

Gamit ang mismong medico legal report mula sa PNP, wala raw silang nakitang lacerations o sugat sa mga pribadong bahagi ni Sandro na siyang karaniwan kung iyon ay pinasukan ng matigas na bagay nang puwersahan. Noon din daw suriin nila si Sandro wala silang nakitang bakas ng trauma. May inilabas pa silang drug test na nagsasabing negatibo si Sandro, na kumokontra sa sinabi niyon na may ipinasinghot sa kanyang puting pulbos at pagkatapos ay nanghina na siya.  

Pagmamatuwid pa ng dalawang bakla, malaking lalaki si Sandro. Six footer at sa salaysay niya ay lasing na lasing na si Dode Cruz nang madatnan niya sa kuwarto. Maliit na tao naman at bakla pa si Jojo Nones, paano siyang mapipilit ng mga iyon? Dalawang ulit pa raw pumasok ang room service sa kanilang kuwarto noong nagdala ng kanilang order at noong nagbayad sila, bakit walang nakita iyong kahina-hinala? 

Nakaka-text pa raw ni Sandro ang isa niyang kaibigan at nakausap pa niya sa cell phone ang syota niyang si Shannelle Agustin habang nasa kuwarto siya ng dalawa, bakit hindi siya nakahingi ng tulong kung inaabuso nga siya? Walang duda, magaling ang abogado ng dalawang bakla at siguro nga nahasa na sa ganyang kaso dahil siya rin ang abogado ni Vhong Navarro noon nagdemanda ng rape si Deniece Cornejo at maaaring marami pang ibang kasong ganyan ang nahawakan niya. 

In the end, baka mabaliktad si Sandro, kasuhan pa siya ng paninirang puri at perjury at siya pa ang makulong. Sa korte hindi pinag-uusapan kung ano ang totoo, kundi ang nakalatag na ebidensiya. Kaya nga ayaw ng abogado ng dalawa ang imbestigasyon sa senado eh, kasi doon pipigain kang magsabi ng totoo. 

Nakaligtas si Dode dahil pagkatapos ng isang hearing nagpa-confine na sa ospital dahil daw sa anxiety. Si Nones naman ay tumangging sumagot hanggang sa na-contempt na nga. Ngayon sa korte ang utak ng abogado na nila ang gumagana. Malamang maligtas iyang dalawang iyan at ang nakatatakot baka mabaliktad pa si Sandro. Ganoon din naman ang kaso ni Gerald Santos, hindi kumikibo at nagbibigay ng statement si Danny Tan, ang problema roon ay bakit hindi siya nagsampa ng demanda agad at naghintay pa ng mahabang panahon. Ang pag-asa niya ay madagdagan  pa ang magsasabing hinalay din sila ni Tan at hindi nakapag-reklamo noon. Kung hindi, “sexual harassment pa more.”

About Ed de Leon

Check Also

Carlos Yulo Chloe San Jose

Chloe sa mga tumatawag sa kanya ng famewhore — nakapag-build na ako ng name before ko pa makilala si Caloy

MA at PAni Rommel Placente IPINAGTANGGOL ni Chloe San Jose ang sarili sa akusasyon ng  kanyang bashers, …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Alexa Ilacad Kim Ji-soo

Alexa ‘natakot’ kay Kim Ji soo

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Alexa Ilacad na sa simula ay na-intimidate siya sa leading man …

Wilma Doesnt Zoren Legaspi

Wilma ‘di naitago pagnanasa kay Zoren — Sana mai-guest tapos liligawan si dyosa

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL madalas silang magka-eksena sa Abot Kamay Na Pangarap, tinanong namin si Wilma …

Herbert Bautista Gian Sotto

Bistek muling tatakbo sa QC, kakalabanin VM Gian Sotto

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK din sa politika si former Quezon City Mayor Herbert Bautista mula sa source …