Thursday , June 4 2026
Mariah Carey

Mariah Carey binati ang mga Pinoy ng Maligayang Pasko

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKATUTUWA naman ang singer na si Mariah Carey na nagpaabot ng maagang pagbati ng ‘Maligayang Pasko sa mga Filipino,’ at sinabing para lang iyon sa mga Pinoy na alam niyang nagsimula na sa pagdiriwang ng Pasko dahil September na.

Rito lang naman sa atin talaga na sa pagpasok ng September ay akala mo Pasko na. Puro mga Christmas decor na ang makikita mo sa mga mall at ang pinatutugtog na nila maging sa mga estasyon ng radyo ay Christmas songs na.

Naalala tuloy namin bigla si Richard Enriquez na noong nabubuhay pa, pagdating ng September ay may pinatutugtog nang mga Christmas song sa kanyang programa sa gabi. May isa pa siyang kuwento noon na umalis siya sa isang estasyon ng radyo dahil bawal sa kanila ang magpatugiog ng Christmas songs, isang sektang hindi nagdiriwang ng Pasko ang may-ari ng estasyong iyon.

Nagbalik doon si DJ Richard nang magsara ang ABS-CBN pero nang kunin siya ng DzBB ng GMA, lumipat siya agad dahil lamang sa Christmas songs na hinahanap ng kanyang mga tagapakinig.

Sa radyo, ang amo namin ay ang mga taong nakikinig sa amin. Kung ano ang gusto nila iyon ang dapat na ibigay mo,” sabi pa niya noon.

Ngayon alam naming marami ang nakaka-miss kay DJ Richards, isa na kami roon, pero ang maganda naman nawala na ang aming insomnia, kasi wala na kaming pinakikinggan sa gabi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …