Thursday , June 4 2026
Apollo Quiboloy Alice Guo

Alice Guo, Pastor Quiboloy gawin kayang pelikula ang biopic?

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY mangangahas kayang gumawa ng pelikula tungkol sa naging pagtakas at pagkakahuli kay Alice Guo sa Indonesia? O kaya may gagawa kaya ng pelikula tungkol sa pagtatago ni Pastor Apollo Quiboloy na hanggang ngayon ay ayaw sumuko at hindi makita ng mga pulis?

Natawa nga kami noong isang araw, may video pa sa Tik Tok ang isang lider yata ng KOJC na nagsasabing ang mga pulis daw na nananatili sa KOJC ay mga “outlaw.” At ang pinaka-maganda raw na magagawa ng mga iyon para sa kanilang sarili ay alisin ang kanilang mga baril, tanggalin din ang bala at mag-report kay Mayor Baste Duterte. Pero habang nasa Tiktok siya pinapasok na ng mga pulis ang main gate ng KOJC at wala silang nagawa.

Ang nakikita naming scenario, ang ibinabala sa kaguluhang iyan ay ang mga inosenteng tao na naniniwala pa rin kay Quiboloy na hindi sila makapapasok sa langit kundi pipirmahan niyon dahil siya ang “appointed son of God and owner of the universe.” Kung ganoon pala bakit takot siyang pahuli?

Pero mayroon namang mga analysis na nagsasabing iyan ay parang rehearsals lang. Sinusubukan nila kung may darating na may warrant of arrest mula sa ICC. Kung makalulusot nga naman si Quiboloy sa ganyang paraan, puwede ring gawin iyan basta nakapasok ang ICC sa PIlipinas. Iyon ang magandang gawing pelikula. Tinatawagan pa ng nagsasalita ang MNLF, MILF, BIFF at maging ang NPA para tulungan sila laban sa mga pulis na tinatawag niyang outlaw. 

Hindi ba inciting to rebellion na iyan? Dapat talaga hulihin na iyan. Kung ginawa ninyo iyan sa panahon ni Digong n’yo, malamang ma-tokhang pa kayong lahat diyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …