Tuesday , May 20 2025
Liza Marcos Josh Bimby

Bimby at Josh nanggulat (sa pagdalaw kay First Lady Liza Marcos)

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGULAT kami noong isang araw sa isang social media post na nakitang nasa Pilipinas na pala ang dalawang anak ni Kris Aquino na sina Bimby at Josh, at take note nakipagkita sila kay First Lady Liza Araneta Marcos. Napakaraming taon na simula nang magkalaban ang pamilyang Aquino at Marcos, na ang tunay namang pinagmulan ay ang Hacienda Luisita.

May mahabang kuwento iyan simula nang mabili ng gobyerno mula sa Tabacalera Inc. ang lupaing bumubuo noon sa Central Azucarera de Tarlac, na nang malaunan ay tinawag na Hacienda Luisita at kung paano iyon napunta sa pamilya ng mga Cojuangco. Hindi na natin tatalakayin ang kuwentong iyon dahil napakahaba para pag-usapan. Pero iyan ay naikuwento sa amin ni Ka Luis Taruc, na binili raw ng gobyerno at ang pangako noon ni Pangulong Ramon Magsaysay ay gagawing isang land reform area para sa mga dating kasapi ng Hukbalahap, matapos nilang sumuko at itigil ang pagrerebelde.  Iyan kasing Hukbalahap, ay mga bayaning Filipino na lumaban sa mga Hapon pero nang matapos ang giyera ay hindi kinilala ng US at itinuring pang mga tulisan. Kaya nga tinawag na Hukbalahap eh dahil sila ay mga hukbo ng bayan laban sa Hapon.

Sa usaping iyan nagsimula ang laban ng mga Marcos at mga Aquino.

Mula noon tila langis at tubig na ang dalawang angkang iyan. Pero nakatutuwang isipin na ngayon ay mukhang nagsisimula na ang mabuting usapan dahil sa pagdalaw ng mga anak ni Kris sa Unang Ginang. Baka naman sa pagtagal ay magkasundo o kung hindi man matigil na ang awayan ng dalawang pamilya. After all, nagawa na naman nilang patalsikin noon ang mga Marcos at ngayon naman nakabalik na silang muli sa dati nilang kalagayan. Magpatawaran na lang at magtulungan alang-alang sa bayan.

About Ed de Leon

Check Also

Marc Kevin Labog

Mas pinasayang weekend trip at bagong ‘Primetime Primera’ hatid ng TV5

TODO ang sayang hatid ng TV5 sa mga bagong weekend and early primetime offerings na hitik sa …

Alfred Vargas PM Vargas

Alfred Vargas nagpasalamat sa double victory; Programang pang-edukasyon uunahin

DOBLE-DOBLENG pasasalamat ang ibinahagi ni Alfred Vargas sa mga taga-District 5 ng Quezon City na sa ikalawang …

Natasha Ledesma

Natasha Ledesma gradweyt na sa pagpapa-sexy  

MATABILni John Fontanilla INIWAN na ni Natasha Ledesma ang pagpapa-sexy mapa-pelikula man o telebisyon. “Nagpapasalamat ako sa …

Yen Santos

Yen Santos halos hindi na makilala ang sarili nang madagdagan ang timbang

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram page ay ibinahagi ni Yen Santos kung gaano siya naapektuhan sa …

Luis Manzano Vilma Santos

Luis balik-game show host

MA at PAni Rommel Placente PAGKATAPOS tumakbo bilang Vice Governor sa Batangas sa katatapos na …