Friday , July 19 2024
Onemig Bondoc

Onemig kung ‘di nagkamali ng diskarte baka sikat pa rin ngayon

MAYROONG isang mahilig na mag-post ng mga lumang artista sa social media at noong isang araw ay nakita naman naming naka-post ang picture ni Onemig Bondoc. Hindi maikakailang noong panahon ni Onemig, isa siya sa pinakapoging matinee idol, at dahil doon hindi maawat ang pag-angat ng kanyang popularidad. Hindi lang sa telebisyon, nakagawa rin siya ng maraming pelikula na naging malalaking hits din. Naniniwala ang kanyang home company noon, ang Viva na magiging isang mas malaki pang star si Onemig kaya binibigyan siya ng magagandang assignments sa pelikula.

Kung alam lang ninyo kung gaano karami ang gustong kumuha noon kay Onemig para sa mga personal appearances sa mga probinsiya. At minsan para matanggihan na nga lang dahil sobra na rin naman ang pagod, magbibigay ka na lang ng mataas na presyo, pero kinakagat pa rin nila.

Sunod-sunod din noon ang endorsement niya ng mga produkto. 

Pero nagkamali rin ng diskarte si Onemig. May mga kaibigan din naman kasi siya na nagsasabi sa kanyang mas malaki ang chances niya kung mapupunta siya sa isang major network. Nakumbinsi siyang lumipat sa ABS-CBN dahil sa pangako sa kanyang isang tv series. Naibigay naman iyon pero ginawa lang siyang support kina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Bumaba ang popularidad niya. Tapos hindi rin naman siya masyadong nabigyan ng break sa ABS-CBN hanggang sa nauwi na siya sa pagiging isa sa mga host sa isang noontime show sa IBC 13. Hindi na nakabawi ang kanyang career. Hindi naman iyon problema para kay Onemig dahil marami namang negosyo ang kanilang pamilya na kaya niyang pamahalaan. Hindi niya problema ang hanapbuhay. Pero sabi nga namin, kung hindi nagkamali ng diskarte noon si Onemig palagay namin isa pa rin siya sa pinaka-malaking star sa ngayon. After all sa hitsura na lang angat naman siya sa maraming stars sa ngayon.

About Ed de Leon

Check Also

50th MMFF

Ika-50 taon ng MMFF ipagdiriwang

INILUNSAD ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagsisimula ng ginintuang jubilee noong Hulyo 16, 2024, sa …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

 Lilet Matias gustong ipagtanggol ng netizens

RATED Rni Rommel Gonzales TINUTUKAN ng mga Kapuso ang pagbawi ng mga inaapi sa hit …

Asawa Ng Asawa Ko naka-1 billion views na

RATED Rni Rommel Gonzales CERTIFIED bisyo ng bayan gabi-gabi ang hit GMA Prime series na Asawa …

Widows War

Biggest murder mystery series ng GMA may 100 million views na

RATED Rni Rommel Gonzales  HOOK ang taumbayan sa biggest murder mystery series ng taon, ang Widows’ …

Vic Sotto Playtime

Bossing Vic nag-Playtime

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ANG bongga naman ng isang gaming apps dahil nakuha nila ang …