Saturday , July 27 2024
Eddie Garcia

Eddie Garcia law nilagdaan na ni PBBM: Mas pabor nga ba sa mga network at producer kaysa mga manggagawa?

HATAWAN
ni Ed de Leon

INAPRUBAHAN na ni PBBM ang Eddie Garcia law na naglalayong mabigyan ng proteksiyon ang mga manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon. Pero bago pa iyon naging batas ay binatikos na ng dating director-general ng Film Academy of the Philippines na si Leo Martinez na nagsabing ang batas daw ay mas nagbibigay ng proteksiyon sa mga network at sa mga producer kaysa mga manggagawa na sinasabing binibigyan niyon ng proteksiyon.

Binatikos ni Martinez ang naging legal na mas mahabang oras ng pagtatrabaho ng mga manggagawa sa industriya. Bukod sa hindi maliwanag na pananagutan ng mga producser at network kung may mangyayaring desgrasya gaya ng kay Eddie Garcia mismo.

Lumalabas na mas lumaki ang problema ni Eddie dahil sa maling handling nang isugod siya sa ospital at maling findings noong una ng dahilan ng kanyang pagbagsak. 

Natagalan din bago siya nadala sa ospital dahil ang mga sasakyan nila ay nakulong ng iba pang mga sasakyang naka-park sa lugar na nagsu-shooting. Kaya kailangang isugod siya sa ospital sa pamamagitan ng isang taxi. Bagama’t itinatadhana ng batas na dapat ngayon may qualified na medical personnel at ambulansiya sa shooting. Wala ring itinatakdang pananagutan ng producers at network sakaling pumalpak pa rin sila sa sistema. At paano kung hindi mga big star ang nagkaroon ng aberya, ganoon pa rin kaya ang treatment ng mga producer kung ang nadesgrasya ay mga crew lamang?

Aba hanggang maaga kailangang ma-amyendahan agad ang batas na iyan kung sa tingin nila ay may depekto nga.

About Ed de Leon

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …