Sunday , June 23 2024
Alden Richards Miss Universe MUPH

Alden tinuligsa sa pagalit, pasigaw na pagho-host sa MUPH

HATAWAN
ni Ed de Leon

USAP-USAPAN ngayon ang tila “galit daw” na tono ni Alden Richards habang tinatawag ang mga nakapasok sa finals ng Miss Univere Philippines.

Sa tingin namin, hindi naman galit si Alden dahil nakangiti pa nga siya, siguro dahil din iyon sa excitement kaya naisisigaw niya ang mga bayang kinakatawan ng mga finalist.

Mahirap din ang mag-host ng isang live pageant. Nagho-host ka kasi riyan ng hindi mo alam kung ano ang mangyayaring kasunod. Hindi kagaya iyan ng mga live television program na may sequence guide. Iyan nagbabago talaga ang takbo ng walang abiso, at kadalasan ang mga host ay natatangay din ng excitement kung sino ang mananalo sa contest. 

Isipin nga ninyo kung iyong sanay na sanay na at halos laging host ng Miss Universe na si Steve Harvey nagkakamali pa eh, si Alden pa kaya?

Kaya minsan dapat naman huwag comment nang comment agad, isipin muna ninyo normal ba ang ganoong escitement? Kung normal lang huwag na kayong kumibo mali naman iyong mema lang.

About Ed de Leon

Check Also

Rhen Escano

Karma ni Rhen pang Hollywood-level

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Rhen Escano na sobra siyang nahirapan sa paggawa ng action film, ang …

CC6 Music Fest 2024

CC6 Music Fest 2024 aarangkada kasama ang Rocksteddy at Mayonnaise

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAKIPAG-RAKRAKAN, kantahan, at sayawan sa June29, 2024 kasama ang ilang …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Marian Rivera Balota

Marian intense ang aktingan sa Cinemalaya entry  

RATED Rni Rommel Gonzales SIGURADONG kakaibang Marian Rivera ang mapapanood sa Cinemalaya entry na  Balota. Makikita sa isang BTS photo …