Wednesday , June 24 2026
Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWAN
ni Ed de Leon

PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang sabihin ni Queenie Padilla na hiniwalayan na niya ang asawang Pakistani matapos ang 11 taong pagsasama. Umingay na naman ang mga troll.

May nagsasabing dalawang anak na babae na raw ni Robin Padilla ang iniwan ng asawa at ang bintang nila karma raw iyon dahil sa ginawa rin ni Robin. Marami rin kasing babaeng iniwan si Robin pati na ang una niyang asawang si Liezl Sicangco na kahit na nakakulong noon ay nakaramay niya. Pero iniwan pa rin niya.

Pero napaka-unfair naman ng sinasabi nilang karma iyon. Bakit mo iisiping sina Queenie at Kylie ang kailangang magpasan ng karma sa mga nagawa ni Robin, unfair naman yata iyon.

Iyong nangyari kina Queenie at Kylie, dahil iyon sa sarili nilang buhay at walang kinalaman ang tatay nila roon. May mga tao lang na masyadong mapanghusga sa kanilang kapwa kaya maraming sinasabing hindi naman tama.

Lalo na nga ngayon na tila hindi popular ang paninindigan ni Robin tungkol kay Pastor Apollo Quiboloyat sa usapin sa China. Pero hindi na natin dapat pagtakhan iyan dahil alam naman nating si Robin ay tumatanaw ng malaking utang na loob sa dating Pangulong Duterte na ganoon din ang posisyon kay Quiboloy at sa China. Kung may paninindigan man si Robin na hindi nila gusto, parang mali namang sabihin na ang karma niyon ay tumama kina Queenie at Kylie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …