Saturday , May 18 2024
Deniece Cornejo Cedric Lee Zimmer Raz

Deniece mas maayos ang kalagayan kompara kina Lee at Raz

SI Deniece Cornejo tahimik na sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong. Mas maayos naman ang kalagayan niya roon kaysa kung mananatili siya sa City Jail. Pero sina Cedric Lee, Simeon Raz at iyong isa pa, hindi pa nakasisiguro kung ano ang kahahantungan nila. Hindi na makatatanggap ng bagong inmate ang New BIlibid Prisons dahil sa dami na ng nakakulong doon. Ginawa nga nilang example ang actor na si Ricardo Cepeda na kailangang dalhin na sa panlalawigang piitan ng Cagayan. Malayo sa kanyang pamilya pero mas maayos ang kalagayan niya roon dahil may tulugan sila at may bentilador sa loob ng kulungan. Sa New Bilibid Prisons, hali-halinhinan na raw ang pagtulog, maliban na lang kung makatutulog ka ng nakatayo.

Kung ano ang kahihinatnan nila sa loob ng susunod na 40 taon, hindi natin alam. Iyong hatol sa kanilang reclusion perpetua ay hindi naman nangangahulugang hihintayin na lang na mamatay sila bago makalabas, karaniwan sa reclusion perpetua ay pinalalalabas na rin pagkatapos ng 40 taon. Kung sakali at maganda naman ang ipakikita nila sa loob, mas mabilis pa silang makalalabas. 

Pero hindi pa rin naman tiyak iyan eh kasi iaapela pa nila ang naging desisyon ng RTC ng Taguig laban sa kanila. Oras na sumampa na ang appeal maaari silang humingi ng pagkakataong makapag-piyansang muli sa mas mataas na hukuman. Hintayin na lang natin ang kasunod na development.

About Ed de Leon

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …