Thursday , June 4 2026
Bong Revilla, Jr

Sen. Bong naospital nagkaproblema sa sakong

REALITY BITES
ni Dominic Rea

KASALUKUYANG nasa isang ospital si Sen Bong Revilla Jr.. Iyon ang nakita namin nang mag-live ito mula sa isang ospital noong Martes gabi. 

Anang senador, nagka-problema siya sa sakong at kinailangang operahan agad. Nangyari ang lahat nitong first shooting day ng senador para sa kanyang pelikula. 

Kuwento ni Sen. Bong, habulan ang eksenang ng mga sasakyan nang maramdaman niyang may sumakit sa kanyang paa. 

Aabutin ng five months ang healing ng kanyang magiging operasyon. Kaya naman mukhang sa ngayon palang ay naghahanap na rin sila ng magiging ka-double ni Sen.  Bong para sa mga matitinding eksenang gagawin nito para sa pelikulang Birador: Alyas Pogi.

Sa pagkakaalam namin, ipapasok ang movie para sa Metro Manila Film Festival 2024. 

Noong huling makausap namin si senator ay naglalakihang mga artista ang  makakasama niya sa pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …