Wednesday , May 22 2024
Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

Daniel tanggap na ang katotohanang hindi na sa kanya si Kathryn

HATAWAN
ni Ed de Leon

PARANG kampante pa rin si Daniel Padilla kahit na maliwanag pa sa sikat ng araw na mukhang etsapuwera na siya sa dating syotang si Kathryn Bernardo dahil ang laging nakabakod doon ay si Alden Richards na. Hindi lamang sa birthday ni Kathryn, pati sa house warming ng bagong bahay ng aktres si Alden na ang naroroon. 

Natural lang naman iyon Nagawa ko na rin naman iyan. Kaya lang napupuna ngayon ng mga tao ay dahil iba na ang naroon,” sabi ni Daniel na mukhang tanggap na ang katotohanan na wala na sa kanya si Kathryn at hindi na babalik sa kanya.

Pero kakatuwa, dahil iyong kanyang naka-one night stand at dahilan kung bakit siya iniwan ni Kathryn ay nali-link naman sa iba, sa baguhang si Kyle Echarri. Bakit hindi sila na-link sa isa’t isa kung nag-one night stand na nga sila? Posibleng totoo ang sinasabi ni Daniel na lasing lang sila noon at hindi naman niya gusto talagang maging syota si Andrea Brillantes. Si Andrea naman ay mukhang disappointed din dahil sa tsismis na, “hindi naman pala gifted si Daniel” eh ang pinanggalingan niyong si Ricci RIvero ay balitang-balitang “gifted talaga.”

Ewan natin, huwag na natin silang pakialaman tutal wala naman tayong kinalaman doon, napag-uusapan nga lang talaga.

About Ed de Leon

Check Also

Blind Gay Couple

Poging male starlet tinablan, tinotoo kising scene kay male star

ni Ed de Leon NATAWA kami sa kuwento ng isang male star na gumawa at sumikat sa …

Vilma Santos Metropolitan Theater

Ate Vi muling pinuno ang MET; SRO sa Bata Bata Paano Ka Ginawa

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN naming kakaiba ang ngiti ng mga tao sa Metropolitan Theater …

Heart Evangelista Chiz Escudero

Heart super proud kay Chiz habang nanunumpa bilang Senate President

HATAWANni Ed de Leon TAAS noo si Heart Evangelista habang sinasaksihan ang panunumpa ng asawa niyang si Chiz …

nora aunor

Nora Aunor ‘di pwedeng pintasan noon; Kasikatan tuluyan na bang naglaho?

HATAWANni Ed de Leon NATATANDAAN namin taong 1969 nang magsimula kaming magsulat, matindi ang popularidad …

My Bae-Bi Boss Mar Soriano Mommy Dora Vincent Marcelo at June Mavaja

Mommy Dora bilib sa husay magdirehe ni Elsa Droga

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang actor & host na si Mar Soriano aka Mommy Dora sa kanyang bagong proyektong …