Thursday , June 4 2026
Andres Muhlach Lucho Agoncillo Donny Pangilinan

Andres at Lucho napakalakas ng dating Donny poor third

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGANG buo ang paniniwala nilang nakakita na naman sila ng isang gold mine nang mapansin ng kaunting mga tao si Donny Pangilinan. Akala nila siya na ang susunod na male superstar na kailangan nila lalo na nga’t nadiskaril na si Daniel Padilla nang iwanan ni Kathryn Bernardo. Nawala na rin si Enrique Gil at nag-flop pa ang pelikula matapos iwanan ni Liza Soberano na ang pangarap pala ay maging isang Hollywood star. Talagang ang pag-asa nila ay si Donny na lang na akala nila ay tuloy-tuloy na. Pero ngitngit ng malas, isipin mo bang ang pelikula niyon na ang producer ay mismong tatay niya ay na-reject pa ng Metro Manila Film Festival (MMFF), at nang ipalabas naman sa sinehan pagkatapos ay naghilahod sa takilya.

Pero baka puwede pang ibangon ang career ni Donny sabi nila, “tutal wala pa namang baguhan na maaaring sumikat din.”

Eh kung kailan nila inaasahang mahahango pa nila si Donny dahil mayroon ngang nalikhang void at saka naman biglang sumulpot si Andres Muhlach na hindi pa man pumapasok sa showbusiness ay inaabangan na ng maraming fans.

Mukhang hindi pa sapat na nariyan si Andres biglang nakita rin nila si Lucho Agoncillo na sinasabi nilang tanging may karapatang itapat kay Andres. Saan na ngayon pupuwesto si Donny?

Kung sa bagay matalino namang bata iyan kaya nga sinasabi ring bukod sa pagiging isang artista ay isa rin siyang financial adviser at real estate agent. Palagay namin dapat doon na muna niya ibuhos ang kanyang panahon. Palipasin muna niya ang napakalakas na dating nina Andres at Lucho kung hindi baka siya ang maging poor third at lalong mas mahirap na bumawi. Si Tito Pip lang ang “third” na sumikat talaga. Isa pa, wala rin naman kaming narinig na positive feedback sa kanyang pag-arte maliban sa mga press release na galing din sa kanila.

Sa ngayon mukhang ang uugong nga nang husto ay sina Andres at Lucho. Maski nga iyong Mavy at Cassy Legaspi natabunan na. Lalo naman ang good friend nilang si Darren Espanto. Na nakasama pa sa isang show na pang-comedy bar lang ang dating eh ano ang mangyayari sa kanya roon?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …