Wednesday , May 22 2024
Jose Javier Reyes FDCP

Direk Jose Javier kayanin kaya ang pressure sa FDCP?

REALITY BITES
ni Dominic Rea

MAPANINDAGAN kaya ni Direk Jose Javier Reyes ang pagkakatalaga sa kanya ngayon bilang bagong Chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP)? Kakayanin kaya ng direktor ang pressure sa kanyang bagong posisyong hahawakan? 

Marami ang natuwa nang inanunsiyong si direk Jose Javier na ang bagong uupong FDCP Chair. Marami rin ang nagulat at nagtanong kung kakayanin niya raw ba ang pressure at baka bigla na lang itong mag-resign?

“The fact that tinanggap niya ang pagiging chairman, meaning, alam niya ang papasukin niya. Maybe alam niya rin ang mga gagawin niya. So, he can make it. Malawak na rin kasi ang kaalaman ni Direk sa industry and deserve niya ‘yung posisyon niya. I just hope na kayanin niya and ramdam ko naman na keri niya,”  paglalahad ng nakausap naming malapit na aktor sa direktor. 

Ayon sa aktor na hindi ko na lang papangalanan, medyo tumagilid daw kasi ang naging performance ni Tirzo Cruz III bilang appointed FDCP Chair. Hindi raw yata kinaya ni Tirzo ang pressure at mukhang naramdaman na rin nitong hindi umano nagagampanan ng maayos ang kanyang posisyon. 

Ayon pa sa aktor na aming kausap, marami rin daw ang mga manggagawa sa pelikula ang nadesmaya sa pag-upo ni Cruz at alam daw ng mga ito na hindi nito maitataguyod ng maayos ang ahensiya.

“Credible siya. ‘Yun nga lang, sabi ko nga, pressure and mahalaga ang time sa pagiging FDCP chairman. Hindi biro. Then, umaarte pa siya, may mga commitment pa siya bilang aktor, hindi talaga kakayanin ni Tirzo,” sabi pa ng aktor na aming kausap.

About Dominic Rea

Check Also

Vilma Santos Metropolitan Theater

Ate Vi muling pinuno ang MET; SRO sa Bata Bata Paano Ka Ginawa

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN naming kakaiba ang ngiti ng mga tao sa Metropolitan Theater …

Heart Evangelista Chiz Escudero

Heart super proud kay Chiz habang nanunumpa bilang Senate President

HATAWANni Ed de Leon TAAS noo si Heart Evangelista habang sinasaksihan ang panunumpa ng asawa niyang si Chiz …

nora aunor

Nora Aunor ‘di pwedeng pintasan noon; Kasikatan tuluyan na bang naglaho?

HATAWANni Ed de Leon NATATANDAAN namin taong 1969 nang magsimula kaming magsulat, matindi ang popularidad …

My Bae-Bi Boss Mar Soriano Mommy Dora Vincent Marcelo at June Mavaja

Mommy Dora bilib sa husay magdirehe ni Elsa Droga

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang actor & host na si Mar Soriano aka Mommy Dora sa kanyang bagong proyektong …

Wize Estabillo

Bidaman Wize Estabillo pupunta ng Japan para sa PhilExpo 2024

MATABILni John Fontanilla MUKHANG sinusuwerte ang Kapamilya actor & It’s Showtime host na si Wize Estabillo dahil bukod sa …