Wednesday , May 22 2024
KC Concepcion Pangilinan cousins

KC imposibleng mag-party kasama ang mga Pangilinan

NATAWA kami sa mga internet post na sinasabing si KC Concepcion ay nag-celebrate ng kanyang birthday kasama ang mga “Pangilinan cousin.” 

Eh sa totoo lang hindi naman niya tunay na pinsan ang mga Pangilinan. Nagkataon lang na naging asawa ng nanay niya si Kiko Pangilinan pero hindi nangangahulugan iyon na related na rin siya sa iba pa.

Ang feeling namin publicity strategy iyan dahil ilang araw bago iyon ay nakita ang mga picture ni KC na kasama ang mga kapatid niyang sina Garie at Samantha, na anak naman ni Gabby sa iba.

Hindi naman maikakaila na talagang close si KC sa kanyang mga kapatid sa ama, at mas close naman siya sa tatay niya.

At saka bakit ang “Pangilinan cousins” ang nakipagsaya sa birthday ni KC? Nasaan ang mga kapatid niya sa ina? Iyong mga kapatid niya dahil kahit na iba ang tatay, iisa ang kanilang nanay, pero wala sila, at ang mga pinsan lamang nila ang naroroon para bumati kay KC.

Ang buhay nga naman.

About Ed de Leon

Check Also

Blind Gay Couple

Poging male starlet tinablan, tinotoo kising scene kay male star

ni Ed de Leon NATAWA kami sa kuwento ng isang male star na gumawa at sumikat sa …

Vilma Santos Metropolitan Theater

Ate Vi muling pinuno ang MET; SRO sa Bata Bata Paano Ka Ginawa

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN naming kakaiba ang ngiti ng mga tao sa Metropolitan Theater …

Heart Evangelista Chiz Escudero

Heart super proud kay Chiz habang nanunumpa bilang Senate President

HATAWANni Ed de Leon TAAS noo si Heart Evangelista habang sinasaksihan ang panunumpa ng asawa niyang si Chiz …

nora aunor

Nora Aunor ‘di pwedeng pintasan noon; Kasikatan tuluyan na bang naglaho?

HATAWANni Ed de Leon NATATANDAAN namin taong 1969 nang magsimula kaming magsulat, matindi ang popularidad …

My Bae-Bi Boss Mar Soriano Mommy Dora Vincent Marcelo at June Mavaja

Mommy Dora bilib sa husay magdirehe ni Elsa Droga

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang actor & host na si Mar Soriano aka Mommy Dora sa kanyang bagong proyektong …