Thursday , June 4 2026
Sunshine Cruz Bench Body

Sunshine nalilimatahan ang projects at exposure (Sa ganda at galing)

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY narinig kaming usapan lately tungkol kay Sunshine Cruz. Ang sinasabi nila minsan daw mahirap ihanap ng assignment si Sunshine. Kasi lumalabas na mas maganda siyang ‘di hamak kaysa mga bida. Madalas din, mas mahusay siyang umarte kaysa mga bida sa seryeng nasasamahan niya. Hindi naman kasalanan ni Sunshine iyon, hindi naman siya nananapaw pero lumalabas talagang mas magaling siya.

May isa ngang director na umamin sa amin na minsan ay binawasan niya ang role ni Sunshine “kung hindi magmumukhang kamote ang bida.”

Sabi pa nila sunod-sunod naman daw ang labas ni Sunshine kaya nga hindi mo rin siya magagawang bida, kasi sayang kung malilimitahan ang paglabas niya dahil siya na ang bida.

Kaya nga minsan, kailangang  magbakasyon si Sunshine, pero ang problema nga ay dahil maganda siya at mas magaling kaysa maraming nagbibida-bida sa ngayon.

Totoo naman iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …