Thursday , June 4 2026
Vilma Santos

Ate Vi dinaragsa ng movie offer para sa MMFF 2024

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGA bang puro Metro Manila Film Festival (MMFF) movies na lang ang pinaghahandaan ni Vilma Santos? Hindi naman siguro dahil inamin din naman niya na maraming scripts sa kanyang bahay ngayon, isa-isa niyang binabasa ang mga iyon. May ibang ibinalik niya na may suggestion na revisions sa kuwento, ibig sabihin interesado siya sa mga project na iyon, kung hindi ba naman ay bakit gagawa pa siya ng suggestion sa changes.

Pero talagang maraming producers na gusto siyang igawa ng pelikula para sa ika-50 taon ng MMFF sa Disyembre. Dahil iyan nga ang golden year ng MMFF, kailangan talaga na matitinding pelikula ang ilabas diyan at kailangang ang gross ng festival ay humigit sa record ng alinmang taon ng pista. Ang MMFF naman simula noong una ay kumikita at taon-taon ay pataas nang pataas ang kita niyon, maliban lamang doon sa taong ang nakapasok ay puro pelikulang indie. Dahil maliliit din ang pelikula, natural maliit din ang kita. Kaya nga  natuto na ang MMFF, hindi na pinapapasok ang mga pelikulang sa palagay nila ay hindi commercially viable dahil kawawa naman ang mga sinehan na hindi kumikita sa Christmas season. Kaya naman nakabawi sila sa nakaraang taon.

Alam din nila na ang adbokasiya ni Ate Vi na pabalikin ang mga tao sa sinehan ay naging epektibo lalo na nga’t nakipagtulungan din ang mga artista ng iba pang pelikula kaya nangyari ang ganoon. Nitong nakaraang festival, dalawang pelikula lang naman ang naghilahod, pero sa simula pa lang naman ay alam na nilang ang mga pelikulang iyon ang magiging bottom holder.

Malayo pa naman ang December kung gagawa si Ate Vi ng isa o dalawang pelikula pa bago ang festival ay puwede pa naman. Pero iyon nga ayaw na niyang magpagod pang kagaya noong dati. Gusto niya hinay-hinay lang sa paggawa ng pelikula. Tiyak naman iyon, kung ano ang pinaka-magandang project iyon ang kanyang tatanggapin at hindi kung sino ang may pinakamataas na offer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …