Saturday , July 27 2024
Gabby Concepcion TVJ

Popularidad ni Gabby nasagasaan ng TVJ; Afternoon programming ng GMA humina

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI ba ninyo napansin mukhang hindi masyadong umingay ang huling serye ni Gabby Concepcion? Mukhang ang gusto ng fans ay iyong mga bata talaga at mga bagong mukha ang kasama ni Gabby.

Isa pang hindi maikakaila, bumagsak naman talaga ang afternoon slot ng Channel 7 nang mawala sa kanila ang TVJ, at ipinaglaban pa nila ang Fake BUlaga. Ngayon na-realize na rin nilang mali iyon at gusto na nilang alisin ang show at ilagay sa kanilang channel ang dati nilang kalabang It’s Showtime. Kasi mas lalaki nga naman ang income nila at makatutulong iyon sa pagbatak ng audience sa kanilang afternoon programming.

Sa ngayon lumamig ang mga afternoon program nila, nagsisimula lang silang mag-pick up pagpasok ni Boy Abunda at niyong Family Feud. Nakasisipa sila sa prime time dahil napanatili nilang number one show ang 24 Oras. Kaya nga natatalo minsan  ni Ruru Madrid si Coco Martin. Natural lang ambisyonin nilang lumakas muli ang afternoon programming nila at isa lang ang alam nilang masakit na solusyon.

About Ed de Leon

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …