Monday , February 26 2024
Angeli Khang Bea Alonzo Dominic Roque

Angeli Khang pumalag, pag-uugnay kay Dominic ‘di makatarungan 

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATAWA naman kami sa tsismis na nadamay daw si Angeli Khang sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Ang tsismis din ng isang balahurang blogger hindi raw nagustuhan ni Bea ang ideang si Dominic ay nag-susbscribe sa Vivamax, para panoorin si Angeli, at habang nanonood ay naglalaro ng lato lato. 

Natural pumalag din si Angeli, alam din naman siguro niyang maraming naglalaro  ng lato-lato habang pinanonood ang mga pelikula niya sa Vivamax, pero ang idamay pa siya at sabihing iyon ang dahilan ng split nina Bea at Dominic, sobra na. Bakit sa dinami-dami ba naman nilang naghuhubad sa mga pelikula ng Vivamax ay masasabing sa kanya lang naglalaro ng lato lato si Dominic?

Ibig bang sabihin lahat ng mga pelikula sa Vivamax ay pinaglalaruan nila ng lato-lato? Pati ang Vivamax movie ni Sharon Cuneta? OA naman yata iyon.

At saka ano ang ikagagalit ni Bea, hindi ba natural lang naman sa mga lalaki ang naglalaro ng lato lato dahil nauso nga. Baka naman sampalin pa niya si Dominic kung nasabing naglalaro iyon ng lato-lato sa harap niya mismo. Mabuti nga habang pinanonood lang si Angeli.

Mas ok lang naman iyan kaysa naunang tsismis na may Vivamax account nga raw si Dominic, tapos sinabi pang bilang suporta lang niya iyon sa kaibigan niyang si Marco Gumabao. Na sinabi nga ni Sharon na, “ang guwapo at ang laki-laki.” 

Ibig sabihin ba nawiwili si Dominic sa panonood kay Marco? Aba eh, mas lalong magagalit si Bea niyon lalo na siguro kung ang itsismis ng mga blogger/vlogger ay  naglalaro si Dom ng lato lato habang pinanonood si Marco sa Vivamax. Pero hindi isolated case iyan. May umamin sa amin na my account din daw siya ng Vivamax at pinanonood niya ng pulit-ulit ang mga pelikula ni Marco. Paborito nga raw niya ang pelikula ni Marco na kasama si Anne Curtis dahil doon kahit na nakatalikod ay wala talagang tapalodo si Marco. Araw-araw nga raw niyang sinasaliksik ang X, iyong dating Twitter. At katakot-takot na raw ang gastos niya sa mga group chat sa telegram sa pag-asang isang araw ay makikita niya roon ang scandal video ni Marco. May alam kaming nakapag-download niyon, malabo nga lang.

Wala namang sinabi na nakipag-date si Dominic kay Angheli o sino man sa Vivamax, kaya bakit naman kaya ganoon ang naging aksiyon ni Bea?

Kaya kayo, kung may mga syota kayo na kasing ganda ni Bea, huwag na kayong mag-Vivamax at maglaro ng lato lato sa mga pelikua ni Angeli. Baka malaman pa ng syota ninyo makipag-break pa sa inyo, dahil lamang sa lato lato na iyan ha. Hindi pa taguan ng dapat nakatago na. Pero in fairness ha, tigilan na ninyo ang pagli-link kay Dominic kay Angeli. Kung sa bagay, bahagi pa rin iyan ng pag-welcome sa Year of the Dragon, masarap naman talaga ang Comida China.

About Ed de Leon

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez focus sa pagiging ina kina Reece at Sapphire,  tuloy pa rin as vlogger/influencer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MARAMI ang nagulat nang naghiwalay nang landas sina Zara Lopez …

Caleb Santos Jose Mari Chan Hazel Faith

Caleb Santos excited makasama si Jose Mari Chan

MATABILni John Fontanilla EXCITED ang singer, actor na si Caleb Santos na makasama sa konsiyerto ang mahusay …

Nadine Lustre

Nadine patok ang pa-two piece habang nakahiga sa kama

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media ang larawang ipinost ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account. Isang black …

Lolit Solis Kathniel

Lolit pinayuhan KathNiel fans mag-move on kasabay ng kanilang mga idolo

MA at PAni Rommel Placente AWARE si Lolit Solis na hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on …

Janice de Belen Snooky Serna Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Janice kay Gabby—Wala akong galit, we’re friends; Sharon nag-sorry

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Janice de Bellen sa YouTube channel ni Snooky Serna ay binalikan …