HATAWAN
ni Ed de Leon
NAKATATAWA naman ang biruan nina Michelle Dee at Rhian Ramos.
Sa biruan nila obvious na magkasama nga sila sa iisang bahay. Ang biro ni Rhian, kailangan daw mag-garage sale na si Michelle dahil ang dami na niyong gamit sa kanilang bahay.
Ang sagot naman ni Michelle, paano siya makakapag-garage sale eh ang garahe nila punompuno sa mga kotse ni Rhian.
Iyan ang mga biruan na wala namang masamang ibig sabihin pero malaman.