Monday , February 17 2025
CNN Phils

Bilang ng mawawalan ng trabaho ‘di biro
SA PAGSASARA NG CNN PHILS

BAGAMAT kakaunti naman ang kanilang mga tauhan, hindi pa rin biro-biro ang mawawalan ng trabaho kung isasara na nga ang CNN Philippines sa buwang ito. Iyang CNN Philippines ay ang dating RPN 9 na pinaka-number one television station noong araw. Bumagsak nang tuluyan ang malaking network matapos na i-sequester ng Cory government ang estasyon dahil sa bintang na ang may-ari raw niyon na si Ambassador Bobby Benedicto ay crony ni Marcos

Noong panahong iyon basta sinabing kaibigan mo si Marcos ang tingin sa iyo ng gobyerno ay magnanakaw ka rin at ninakaw mo ang pera ng bayan, kaya sine-sequester ang ari-arian mo. Pero kung pinag-aralan nila iyang RPN 9 ay ang dating Kanlaon Broadcasting System na pag-aari na ni Benedicto hindi pa man presidente si Marcos. Paano mong masasabing iyang RPN ay ill-gotten wealth?

Simula nang ma-sequester ginamit na ng ginamit ng gobyerno ang estasyon para sa kanilang sariling propaganda, kaya wala rin namang sponsors na pumasok. Tapos ipinagamit nila iyan sa Nine Media na dating kilalang Solar Entertainment para may magpa-suweldo sa mga natitira nilang tauhan. Iyon namang Solar ay nakipag-collaborate sa CNN, para mabigyan ng bagong bihis ang television channel na nabulok na ang mga equipment at nawalan ng kredito dahil naging propaganda station nga ng gobyernong dilaw.

Pero maging ang image ng CNN ay hindi nakayang buhating muli sa pagkalubog ang Channel 9. Ngayon isasara na raw ang CNN at ibabalik na sa RPN 9. Wala na kasing pakikinabangan eh. Kung iisipin mo ang tamang katuwiran, dapat magbayad ang gobyerno sa mga dating may-ari ng RPN 9 dahil sa paggamit nila sa estasyon ng 30 taon bilang propaganda station nila ganoong ang mga tunay na may-ari ang may hawak niyon ng legal na prangkisa at permit to operate.  May kulay politika talaga ang nangyari sa RPN 9, BBC 2, at IBC 13 na pag-aari ng mga Benedicto.

Iyong mga tumanda na sa broadcast industry, alam naman ang pinagmulan ng mga network na iyan. Iyan ay mga legal na broadcasting stations na nabili ng pamilya Benedicto mula sa mga nagsipagtatag noon at napalakas pa nila. Walang kinalaman si Marcos diyan.

Ngayon magsasara na ang CNN Philippines at ibabalik na sa RPN 9 na ano naman ang magagawa eh sequestered ang estasyon. Isang araw maaari ring paalisin sila sa Broadcast City na roon isinasagawa pa rin ang broadcast ng mga sequestered stations na iyan dahil hindi naman nakasama sa inilit ng gobyerno ang lupang kinatatayuan niyon at ang mga studio na maliwanag na ipinagawa ni Benedicto. Ang nakuha lang nila ay iyong dalawang estasyon dahil iyong isa ibinigay ng Cory government sa ABS CBN, na walang kapalit kahit na ano. Nakuha ng ABS-CBN ang isang network na may legal na prangkisa, may legal na permit to operate, at walang utang. Iyong dalawa hinawakan nga ng gobyerno hanggang sa pumasok ang Nine Media sa RPN 9 na nalugi rin naman.

Inisip ba nila kung ano ang mangayayari sa mga manggagawa sa Channel 9 na mawawalan ng trabaho? Hindi naman maaaring iligtas iyon ng gobyerno sa pamamagitan ng kanilang Channel 4 na wala rin namang makuhang commercials at kapos na kapos sa budget kaya madalas delayed ang suweldo ng mga empleado.

Iyan din namang Channel 4 maganda iyan noong araw sa ilalim ng pamamahala ni Manong Greg Cendana sa kanyang National Media Production Center. Noong gawing People’s Televisionnagkaloko-loko na ang takbo kasi ang inilagay namang mamahala ay puro political appointees na hindi naman bihasa sa pagpapatakbo ng isang media company. Ang resulta, lahat ay nalugi.

About Ed de Leon

Check Also

FAMAS Short Film Festival

FAMAS Short Film Festival 2025, inilunsad

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INANUNSIYO ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) ang paglulunsad ng FAMAS Short Film Festival 2025.Ang Pangulo ng FAMAS na si Francia Conrado, sa pakikipagtulungan kay Direk Gabby Ramos ng REMS Entertainment ay binuo ang nasabing short film festival.“This inaugural festival aims to celebrate Filipino filmmakers’ creativity and storytelling, offering a distinguished platform for short-form films,” pahayag ni Ms. Francia.Ikinararangal naman ni Director Gabby, ang festival director ng 1st FAMAS Short Film Festival 2025, ang bagong endeavor na ito, na siya mismo ay past winner ng Best Short Film sa FAMAS 2024 para sa “Huling Sayaw Ni Erlinda”.Ineengganyo rin ni Direk Gabby ang diversity and innovation at iniimbita ang “finished short film entries” sa iba’t ibang kategorya na nagha-highlight ng compelling narratives, artistic expression, at may socially relevant na tema.“Ma’am Francia always dreams of awarding short films, just like what they do in the main event of FAMAS over decades. Like her, I personally believe that short filmmakers will be the next generation of filmmakers of Philippine Cinema. Likewise, that is also our vision in Rems Entertainment, especially after we opened our VS Cinema in Quezon City.“That’s the reason why we proposed to produce this event,” wika pa ni Direk Gabby.Sa ngayon ay nasa100 na ang natanggap nilang entries at inaasahang mas darami pa after ng kanilang announcement.Ayon pa kay Direk Gabby, magkakaroon ng scheduled screening ang lahat ng finalists. “May VS Cinema (located on the 8th floor of the Victoria Sports Tower in Quezon City) po tayo na puwedeng ipalabas ang mga finalists. Pero may mga kinakausap na rin kami,” sabi pa niya.Kasalukuyang ongoing ang submission ng entries, na ang deadline ay sa  March 25, 2025. Tapos ng cinema screenings mula May 5 to 9, magaganap ang kaabang-abang na Awards Night sa May 10.INFORMATION, REQUIREMENTS, and MECHANICS HOW TO SUBMIT: A. Categories include:1.Short Film: Fictional or non-fictional stories that evoke emotions or explore artistic ideas.2.Student Film: Films submitted and endorsed by educational institutions.3.Regional Film: Works produced outside Metro Manila, showcasing unique regional cultures and languages.4.Advocacy Film: Projects raising awareness on particular issues and encouraging viewer engagement.5.Documentary: Fact-based films addressing real-life events and social issues.Submission Deadline — March 25, 2025HOW TO SUBMIT: 1. Access the digital submission form via this link- https://forms.gle/dnH5Y53U3jaxWqWB82.Complete the required details.3.Pay the screener fee:    – P 2,500 (regular) or P 2,000 (students)4.Upload proof of payment.5.Submit your entry!For inquiries, contact:  Email- [email protected]  Facebook — FAMAS Short Film FestivalELIGIBILITY REQUIREMENTS: 1.  Film must be under 20 minutes (including credits). 2. Must be in the original language with English subtitles. 3.  The director must be a Filipino citizen. 4.  Production must occur in the Philippines (co-productions accepted). 5.  Film must not have been previously submitted to FAMAS. 6.  Student Films require educational endorsement. 7. Regional Films should depict local stories. 8. Advocacy and Documentary Films must address societal issues.AWARDS CATEGORIES: – Best Short Film  – Best Director  – Best Cinematography  – Best Screenplay  – Best Editing  – Best Music & Sound Design  – Best Actor  – Best Actress  Other Awards – Best Documentary  – Best Student Film  – Best Regional Film  – Best Advocacy FilmIMPORTANT DATES: Announcement of official Selections — First Week of April 2025Cinema Screenings — May 3 – 9, 2025Awards Night — May 10, 2025PRIZES and OPPORTUNITIES: Winners will receive the iconic FAMAS Trophies.

Ryza Cenon Lilim

Ryza nagpakalbo para sa Lilim: Hindi na nga ako sanay na may buhok

RATED Rni Rommel Gonzales PAGPASOK pa lamang ni Ryza Cenon sa Viva Café sa Cubao ay lumapit …

Jeffrey Hung Artist Lounge Multi Media Nikki Hung Kyle Sarmiento

Jeffrey Hung bagong partner ng Artist Lounge Multi Media, Inc.

MATABILni John Fontanilla STAR studded ang dinner party para sa pagpapakilala ng bagong partner ng Artist …

Drew Arellano Iya Villania Anya Love

Iya isinilang ikalimang anak nila ni Drew

MATABILni John Fontanilla IBINALITA ni Drew Arellano na nanganak na ang kanyang pinakamamahal na asawa, si Iya Villania-Arellano sa …

Matrapik tiyak ngayong Valentine’s Day

I-FLEXni Jun Nardo HAPPY, happy Valentine’s Day sa lahat ng in love na readers ng Hataw! …