Friday , May 17 2024
Blind Item, excited man

Male starlet nanliligaw at nagbabayad na sa mga type na pogi  

ni Ed de Leon

NATATAWA na lang kami noong isang gabi nang maalala namin ang kuwento sa amin ni John Nitenoong gabing magkita kami sa reunion ng That’s Entertainment. Napag-usapan kasi namin ang isang male starlet na kakilala rin pala ni John Nite at alaga daw ng isang kaibigan nila. 

Sinabi naman ni John Nite na may hitsura ang male starlet at kung titingnan mo nga ay may class. Pero sabi nga niya ang starlet ay bading din sa totoog buhay at kaya laging may pera ay “gay for pay” nga. Iyan iyong mga bading na may hitsura, nagpapanggap na mga totoong lalaki at nanananso ng kapwa nila bading.

Totoo pala iyon, istambay siya sa isang bar-club na maraming mga bading at mga gay for pay din, at doon siya naghahanap ng kanyang mga kliyente. 

“Bata pa iyan istambay na iyan sa club at nakikipag-syota na sa mga bading,” sabi pa ng isa naming source.

Pero ngayon daw ay iba na ang drama, siya na ang nanliligaw at nagbabayad pa sa mga type  niyang pogi. Ibig sabihin, pumirma na siya ng lifetime membership sa “asosasyon.”

About Ed de Leon

Check Also

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

HATAWANni Ed de Leon MGA ilang taon na rin ang nakararaan, may isang abogado na …

Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira, inaming may naramdaman sa isa’t isa sa shooting ng Chances Are You and I

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INAMIN ni Kelvin Miranda na na-confuse siya sa naramdaman noon …

Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira ‘di naiwasang ‘madala’ sa kanya-kanyang role

MAGANDA na talaga ang tila balik-normal na activity ng mga tao lalo na ‘yung mahihilig …

Benz Sangalang

Benz Sangalang tinaguriang Vivamax King

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “SIGURO po ay may ibang plano si Lord kung kaya’t parang …