Wednesday , May 21 2025
Vilma Santos

Ate Vi dinumog ng mga taga-Cebu

HATAWAN
ni Ed de Leon

ABA hanggang Cebu pinagkaguluhan sina Ate Vi (Vilma Santos at Boyet de Leon nang magtungo sila sa Nustar para sa isang mediacon at fans’ day at mai-promote ang pelikula nilang When I Met You in Tokyo ganoon din ang iba pang festival movies na ipalalabas sa Cebu kasabay ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Metro Manila.

Hindi ginagawa iyan ni Ate Vi sa kanyang mga pelikula at hindi naman niya kailangang gawin pero dahil ang gusto nga niya ay maiangat ang buong industriya at kumbinsihin ang kanyang supporters na panoorin ang lahat ng iba pang mga pelikula bukod sa pelikula niya, talagang matinding promo ang kanyang ginagawa kahit sa labas na ng Metro Manila.

Nag-aalala naman ang kanyang pamilya at ang kanyang fans kasi nga kamakailan dahil sa matinding pagod tumaas ang blood pressure niya pero matapos lamang ang ilang araw na pahinga balik na naman siya sa kampanya para sa mga pelikula. Nakalulungkot lang isipin na sa kabila ng magandang hangarin ni Ate Vi, may nasasabi pa ang ibang hecklers.

Pero ang masasabi lang namin, ang tagumpay ng MMFF sa taong ito ay hindi maikakailang dahil sa matinding pagsisikap ni Ate Vi na maikampanya ang lahat ng mga pelikula sa festival. Nagulat nga kami sa kuwento ng isang radio announcer sa Cebu na tumawag sa amin, mas marami pa raw tao sa mediacon ni Ate Vi, kaysa mga taong nanood ng concert ng isang star doon kamakailan at sa pareho ring venue ha. 

Katunayan, ang Cebu ay teritoryo pa rin ng Vilmanians. Kahit naman noong araw, sinasabi nila na ang cebu ay bailiwick ni Ate Vi. Talagang mataas ang popularidad niya sa mga Cebuano. Hindi ba may panahon pa ngang ang mga tao sa Cebu ang kumukumbinsi sa kanya na tumakbo para sa isang national government position? 

Hindi lang pumayag si Ate Vi dahil naisip niya na masyado nang malaking responsibilidad iyon at nakapangako na siya ng serbisyo sa mga taga-Batangas.

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Jane Oineza Si Sol at Si Luna

Zaijian ‘pinapak’ si Jane sa Si Sol at si Luna, mapapanood sa Puregold Channel sa YouTube

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TIYAK na marami na ang nag-aabang sa first kissing scene …

Art Halili Jr.

Theater actor Art Halili Jr  naging inspirasyon si Ate Guy

MATABILni John Fontanilla MASUWERTE ang dating theater actor na si Art  Halili Jr. dahi minsan nitong nakatrabaho …

Arjo Atayde

Arjo ‘di napabagsak ng paninira, ‘wagi ulit sa district 1 ng QC

MATABILni John Fontanilla HINDI nagabi ng paninira at muling nagwagi bilang congressman ng District 1 …

Roselio Balbacal

 Actor/businessman Roselio Balbacal numero unong konsehal sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla BAGITO man sa politika, hindi naging hadlang para sa part time actor …

Alynna Velasquez Im Feeling Sexy Tonight

Alynna nagpasalamat kina Rachel at Ali

HARD TALKni Pilar Mateo IT took a long while for singer Alynna (Velasquez) to make a comeback. …