Thursday , May 22 2025
Ruru Madrid Coco Martin

Ruru ‘di makaabante kay Coco

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG December 4 lumabas ang NUTAM suvey ng AGB NIELSEN. Number one pa rin ang 24 Oras sa lahat ng show. Naging number two naman ang Batang Quiapo. Malayong number 3 ang Black Rider.

Iyong 24 Oras walang kalaban talaga iyon mas matindi ngayon ang GMA Integrated News na may mga estasyon sa lahat halos sulok ng PIlipinas. Hindi na iyan malalabanan ng mga nasa TV Patrol na ang mga tao ay demoralized pa dahil wala nga silang pangkisa. Sa mga coverage basta sinabing ABS-CBNang madalas na sabihin sa kanila ay, “hindi ba sarado na iyon?” 

Hindi naman sila makapagpakilalang taga-Sky Cable at lalo namang kung sabihin nilang sa Zoe TV sila. Kaya ang isinasagot nila “napapanood pa po kami sa internet.” 

“Ah ibig sabihin, blogger na kayo,” ang madalas namang sagot sa kanila.

Kung ganyang demoralisado ang tao mo sa news, ano ang aasahan mo? Iyon din namang Batang Quiapo hindi iyan kasing tindi ng FPJ’s Ang Probinsiyano Kasi lumalabas sa isang estasyong 150KW bukod pa sa napakaraming provincial stations. Eh iyong Batang Quiapo sa TV5 lang at sa Zoe TV. Walang provincial relay iyan at ang inaasahan lang nila ay iyong nag-aabang sa Sky Cable na bihira na rin ngayon. Maski kami pinaputol na namin eh hindi mo naman kasi mapanood nang matino laging may sira. Bayad ka naman ng bayad dahil mahuli ka lang ng isang araw sunod-sunod na tawag na ang ang gagawin sa telepono mo ng kanilang taga-singil pero basta may sira maghintay ka.

Noon nagagawa nila iyan dahil sobra ang power nila eh may ABS-CBN sila eh ngayon wala na. Ewan kung naniniwala pa ang mga investor nilang kikita pa sila eh ang balita hilahod na hilahod sila sa pagbabayad ng kanilang loans noon pa man. May tsismis pa nga baka magdeklara na ang ABS-CBN ng bankruptcy sa susunod na taon.

Kung mangyayari iyan hindi na makalilitaw sa Quiapo si Coco Martin baka maging Batang Moriones na lang siya o kaya ay Batang Velasquez. LIlipat na sila sa teritoryo ni Kagawad Jimi Escala.

Pero nabanggit na rin namin iyong Black Rider ni Ruru. Hindi pa rin iyon makaabante talaga kay Coco. Dapat naman kasi iyang si Ruru ihanap nila ng proyekong babagay sa kanya at saka itapat lang siya roon sa kaya niyang tapatan.

Isipin ninyo itatapat siya kay Coco. Noon ngang may kasama pa siyang buwaya hindi siya nanalo eh ngayon pang wala. 

Puwedeng ilaban iyang si Ruru kung ang makakatapat si Donny Pangilinan o si Seth Fedelin pero si Coco? Malabo siya.

About Ed de Leon

Check Also

Romm Burlat

Parang abot ko ang kamay ng Diyos kapag nakatutulong sa mga nangangailangan — Direk Romm Burlat

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABALITAAN namin kamakailan sa award-winning actor-director na si Romm Burlat …

David Licauco

 I Think I Love You ni David Licauco mabilis na minahal ng fans

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez GUMAGAWA na rin ngayon ng pangalan si David Licauco sa mundo …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Frankie Yaya Irish Miel Miguel

Sharon binitbit Yaya ni Frankie sa Amerika

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKATUTUWA naman iyong ginawa nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan. Dinala …

Ruffa Gutierrez Mr Harry

Yilmaz ‘di na tuloy pagbisita ng ‘Pinas 

I-FLEXni Jun Nardo GIFT from heaven ang tawag kay Ruffa Gutierrez ng may-ari ng Magical …

Binibining Pilipinas 2024 Glam Shot Photo Exibit

Ganda at Glamour: Binibining Pilipinas 2025 Photo Exhibit, Tampok sa Araneta City

BINUKSAN ng Araneta City ang 2025 Binibining Pilipinas Glam Shot Photo Exhibit tampok ang mga …