Sunday , February 25 2024
Enrique Gil Liza Soberano Lizquen

Sa kahihintay kay Liza
Enrique nalilinya sa porn

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKAHIHINAYANG iyang si Enrique Gil. Noong panahong dapat sana siyang magsikap para sumikat bilang solo star ay masyado siyang nagpatali sa love team nila ni Liza Soberano. Na akala siguro niya ay seryosohan na ang kanilang relasyon. Wala siyang kamalay-malay na balewala pala kay Liza ang love team nila at ang ambisyon ay sumikat sa Hollywood, kaya sa hindi inaasahang move, sumama kay James Reid sa  pag-aakalang iyon ang susi para maging international star, eh hindi naman pala. Nakagawa naman siya ng isang off Hollywood B movie na malapit na raw ipalabas sa sinehan, ewan lang kung may pag-asang kumita kasi talagang sa title pa lang alam mong B movie lang iyon, parang indie lang dito sa atin, isipin mo naman babaeng Frankenstein ang kanyang pelikula.

Umasa rin si Enrique na kung makapupunta nga sa Hollywood si Liza ay baka batakin din siya niyon pero sa malas ay mukhang hindi ganoon. Hindi interesado si Liza sa kanya at kung ihahahap pa ng isang partner, tiyak na kukunin na iyon ng kanyang manager na si James na wala rin namang nangyayari sa music career.

Ang kinabagsakan nga ni Enrique ay isang B movie rin, tungkol sa isang lalaking kamukha ng  isang sikat na pornstar sa Thailand, at ang ending magiging porn star na rin siya. Hindi namin alam kung gaano katindi ang pagiging pornstar ni Enrique, pero ngayon may lumalabas na siyang mga picture na para bang sinasabing siya ang tunay na big bird. Iyon nga lang, parang medyo late na ang pasok niya. Eh iyong mga kalaban niyang male bold stars sa ngayon ay mga bata pa, kung hindi naman magagawa ba niya ang ginagawa ng mga lalaki sa Vivamax na nakahandang ibuyangyang ang kanilang private parts?

Kung ang gagawin niya ay puro pictorials na “pabukol” lang, hindi na kakagatin iyan ng tao dahil nasanay na sila sa may malalaking bukol na iyon pala lavacara lang naman ang laman. Specialty noon ni Ben Nollora ang ganyang klase ng pictorials. At saka halata naiilang pa si Enrique noong lagay na iyon. Baka iniisip niyang kung tuluyan na siyang malinya sa ganoon ay lalo nang wala ang team up nila ni Liza, as if naman may mangyayari pa?

Tutal nasimulan na lang din niya, kung si Enrique ay lilinya sa bold, aba eh linyahan na niya nang husto, dahil maraming mas bata sa kanya na nakahanda sa mas matinding mga eksena na pinag-uusapan na ngayon sa social media kagaya nga niyong si Jericho del Rosario. Maski kami kung tatanugin kung sino sa dalawa ang mas kakagatin, pipiliin namin si Jericho, kasi may pruweba na kahit na sa internet lang ay malakas ang following, bata pa kaysa kay Enrique na may edad na rin naman, iniwan pa ng syota-syotaan niyang si Liza. 

Aminin na natin ang nanonood at mahilig sa mga male bold star ay hindi naman iyong mga babae kundi iyong mga bading, at para sa bading, mas gusto nila ang pogi at bagets pa.

About Ed de Leon

Check Also

Anthony Davao

Pamangkin ni Ricky na si Anthony Davao may K magpa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales WALA pa sa showbiz ay nakakasama na namin ang Vivamax actor na si Anthony …

Kyline Alcantara Paul Salas Michael Sager Roxie Smith Jayson Gainza

Shining Inheritance stars naki-fiesta sa Abra

RATED Rni Rommel Gonzales LALONG naging makulay at fun-filled ang selebrasyon ng Dapil Festival sa Abra City, …

Jasmine Curtis-Smith Rayver Cruz Martin del Rosario Liezel Lopez

Jasmine at Rayver pinagkaguluhan, tinilian ng mga taga-Baguio

RATED Rni Rommel Gonzales TALAGA namang very special ang selebrasyon ng Panagbenga Festival this year dahil naki-join …

Richard Hinola

Award Guru memorable ang kaarawan

ISANG simple pero memorable na birthday celebration ng itinuturing na award guru na si Richard …

Beauty Gonzales Kelvin Miranda

Beauty Gonzales wala ng balak mag-anak pa—Gusto ko rin magpa-bebe

WALA na raw balak mabuntis at magka-anak pang muli ni Beauty Gonzales. Masaya na ito sa nag-iisa …