Thursday , June 4 2026
Sharon Cuneta Gabby Concepcion
Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Gabby inamin Sharon ‘di itinuturing na kaibigan

HATAWAN
ni Ed de Leon

LALABAS din naman ang totoo pagdating ng araw, pero mukhang wala nga sa timing ang pag-amin ni Gabby Concepcion na lumabas lamang siya sa concert na reunion nila ni SharonCuneta dahil trabaho lang iyon at dahil sa kahilingan ng fans. Diretso niyang sinabi na nagkasama sila sa concert pero hindi niya maituturing na kaibigan ang dati niyang asawa. In fact tama naman daw sana ang usapan na magkakaharap na lang sila sa concert proper, kaya nga nagulat din siya nang dumating iyon sa kanilang press conference pa lamang. Pero siya naman daw ay sumunod na lang kung ano ang gustong mangyari ng produksiyon.

Inamin ni Gabby na wala siyang nalalaman sa mga plano ng production company dahil siya ay kinuha lamang ng mga iyon bilang isang talent. At sinasabi nga niya na ang mga nasa produksiyon ay sa kampo ni Sharon na mas malapit sa aktres

Naiintindihan namin kung bakit nagsalita ng ganyan si Gabby, kasi nga may mga lumalabas na usapan na hindi naging maganda sa tingin ng pamilya ni Sharon ang pagsasama nila sa isang reunion concert.

Hindi mo maiaalis sa pamilya ni Sharon ang masaktan dahil sila nga naman ang pamilya ni Sharon sa ngayon pero lumalabas na hindi sila ang gusto ng publiko. Masakit lalo na ang mga sigawan ng fans sa concert at maging sa mga comment sa internet na nagsasabing “sana kayo na lang.” Wala ka namang magagawa roon dahil iyon ang damdamin ng fans at magagawa mo nga bang mapigil ang reaksiyon ng 25,000 taong mahigit na nanood ng reunion concert?

Hindi maikakailang ang reunion concert ang siyang pinakamalaking hit ni Sharon in years, at marahil kung kumagat pa ang fans sa reunion, maaaring makuhang muli ni Sharon ang suporta ng fans ng kanilang love team ni Gabby at umayos pa ang kanyang career.

Hindi naman natin maikakaila na mahina ang kanyang mga comeback movies, kahit na iyong  inilabas pa bago ang pandemic. Matagal na rin naman siyang walang hit songs. May mga nagawa naman siyang albums pero hindi pumatok na kagaya noong araw. Kaya nga marami ang naniniwala na ang reunion concert na iyon ang muling mag-aangat ng popularidad ni Sharon, pero dahil sa naging reaksiyon ng kanyang pamilya, at dahil umiiwas na rin naman si Gabby na masabing siya ang pinagmulan ng gulo, sinabi niya ang totoo na ok lang sila pero ni hindi niya masasabing magkaibigan nga sila ni Sharon.

Dahil diyan mukhang balik na naman si Sharon sa square one, ibig sabihin susubok na naman siya kung ano nga ang batak niya bilang star sa publiko. Sa himig ngayon ang mauuna niyang pelikula ay isang sequel ng isang hit movie na ginawa niya noong araw, na  pagtatambalan nila ni Robin Padilla. Ang masakit, iyong nauna nang pelikula nila ni Robin ay mahina rin. Humina na rin kasi si Robin simula noong makalaya siya mula sa tatlong taong pagkakakulong niyon. Lahat din ng mga pelikula ni Robin simula noon ay tumagilid.

Isa pa, hindi rin maganda ang tingin ng tao ngayon kay Robin bilang isang senador dahil sa mga paninindigan niyang taliwas sa inaasahan ng mga mamamayan. Tapos kung ganyang bumawi na ng suporta si Gabby bago pa man tuluyang makabangon ang career ni Sharon. Malabo iyan.

Kung siguro ay wala ngang hindi naging magandang usapan at nanahimik na lang muna sila at hinayaan munang mabuhay ang ilusyon ng fans na nabuo noong reunion concert, mas ok iyon para kay Sharon. Tutal malabo pa rin naman silang magkasama ni Gabby dahil sa dami ng ginagawa niyong mga serye sa telebisyon na iba ang leading ladies. Nakahihinayang dahil ang lakas ng dating matapos ang initial concert sa MOA Arena, tapos nagkaroon na nga ng mga usapan at napansin na ng fans na hindi na magkalapit ang dalawa sa kanilang repeat concert sa Okada, eh ‘di lalo na iyong kasunod sa Cebu. Nagsabi na rin si Gabby na baka hindi pa matuloy ang concert nila sa abroad na hinihintay na raw ng fans doon dahil marami pang papeles na kailangang asikasuhin. Maliwanag na alibi lang iyan, dahil halatang umiiwas na si Gabby sa mga usapan. Hindi na nga naman niya kailangan ang ganoong controversy, at wala siyang magiging pakinabang doon, bakit naman niya sasakyan? Sa ngayon hindi maikakailang si Sharon ang higit na nangangailangan ng suporta ni Gabby. Pero maaasahan mo ba iyon sa taong ni hindi ka itinuturing na kaibigan?   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …