Thursday , July 10 2025
Richard Gutierrez KC Concepcion Asian Persuasion

Int’l movie ni KC ipalalabas sa ‘Pinas; ipareha dapat kay Richard

ILALABAS na rin daw dito sa PIlipinas ang pelikulang ginawa ni KC Concepcion sa abroad, iyong Asian Persuasion. Hindi naman iyon isang malaking pelikula. B movie iyon sa US, kumbaga dito sa atin ay indie, pero dahil kasama nga sa pelikula ni KC magmumukhang malaki iyon oras na ilabas sa PIlipinas dahil sa popularidad ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion

Kung natatandaan ninyo, malakas din naman sa box office ang mga naunang pelikula ni KC, lalo na ang mga pinagtambalan nila noon ni Richard Gutierrez na mainit din ang popularidad noong panahong iyon.

Iyan ang isa pang team up na siguro kung uulitin, magiging hit ding muli sa audience. Naging hit naman si Richard noong itambal nga siya noon kay KC at saka kay Angel Locsin. Pero hindi na nagtuloy-tuloy iyon dahil si KC naman noong mga panahong iyon ay halos walang panahon sa showbusiness dahil nag-aaral pa siya. Si Angel naman biglang lumipat sa ABS-CBN kaya naiwan si Richard sa GMA pero malakas pa rin naman siya hanggang sa magdesisyon nga siyang tumigil muna nang mag-asawa.

Siguro kung ngayon ay gagawa ng isang pelikula sina Richard at KC papatok din nang husto iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Metro Manila Film Festival, MMFF

Unang batch na kasali sa 51st MMFF inihayag

I-FLEXni Jun Nardo INANUNSIYO na ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang unang apat o first …

Blind Item, man woman silhouette

Showbiz couple magkahiwalay ng kwarto 

I-FLEXni Jun Nardo HIWALAY na raw ang isang kilalang showbiz couple na may anak. Magkaiba sila ng …

Marianne Bermundo Ako si Kindness Rubi Rubi Patricia Ysmael Miles Poblete Cye Soriano Kween Buraot Dave Gomez Jenny Lin Ngai Wiliam Thio

Pinagbibidahang pelikula ng Beauty Queen na si Marian mapapanood na!

MATABILni John Fontanilla MAPAPANOOD na sa mga sinehan nationwide ang advocacy film na TV series, …

James Yap Ciara Sotto

Ciara pinabulaanan relasyon kay James Yap

MATABILni John Fontanilla ITINANGGI ng singer-actress Ciara Sotto na may romansang namumuo sa kanila ng  basketball player …

Mark Herras Lolit Solis 2

Mark binarag ng netizens, dumalaw sa lamay ng manager

MA at PAni Rommel Placente DUMALAW si Mark Herras noong Lunes ng gabi ng burol  ng dati …