Tuesday , May 7 2024
Bong Revilla Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Sa pag-klik ng concert nina Gabby-Mega
SHARON-BONG MAGTATAMBAL SA PELIKULA

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG latest, ang bubulaga raw sa atin sa 2024 ay isang pelikula na magtatambal naman si Senador Bong Revilla at si Sharon Cuneta. Marami ang nagkaka-interes ngayon kay Sharon dahil naging malaking hit ang kanyang concert na kasama si Gabby Concepcion.

Kung titingnan kasi ang naging takbo ng career ni Sharon kahit na noon, basta lumalamig ang kanyang career at naitambal siyang muli kay Gabby, sino man ang makasama niya sa kasunod ay nagiging hit.

Noong tumagilid si Sharon nang makabangga niya ang pelikula ni Claudia Zobel, itinaambal siyang muli kay Gabby sa Dapat Ka Bang Mahalin. Iyon ay naging isang big hit, at magmula noon, ang lahat ng mga kasunod niyang pelikula ay naging hit na muli. Nang magpakasal na sila, lalong naging hit ang lahat ng mga pelikula ni Sharon at nakagawa nga siya ng pitong pelikulang sunod-sunod na hit at ang bawat isa ay lumalampas sa gross ng sinundan. Kaya nga siya tinawag na box office queen.Noong magkahiwalay sila ni Gabby medyo naapektuhan din ang popularidad ni Sharon. 

Matagal din namang ganoon, hanggang may dumating na offers, pero hindi rin naman sila nagkasundo. May mga condition kasing hinihingi si Gabby na mukhang hindi acceptable sa kampo ni Sharon. Akala nga ng marami wala nang pag-asa nang bigla na lang mabalita na mayroon silang reunion concert. Kagaya ng inaasahan, iyon ay naging isang malaking hit at hindi maide-deny na dahil doon mukhang up ulit si Sharon. Natural nakaabang na ang ibang projects ngayon na mabuti naman sa career ni Sharon at mabuti rin para sa industriya dahil kung magtutuloy iyan, magbabalik na ang mga tao sa panonood ng sine na siyang kailangan natin ngayon.

Pero isipin ninyo, kung ang gagawin ay reunion movie nina Sharon at Gabby, malamang sa hindi maging isang mas malaking hit iyon. At iyon ang tiyak na magpapabalik sa mga tao sa mga sinehan. Tutal sinabi na naman ni Sharon na sa ngayon na-realize rin naman niyang may katuwiran ang mga demand noon ni Gabby. Pagdating nga naman sa pelikula, mas senior si Gabby na sikat na nang pumasok siya sa pelikula, pero sa lahat ng mga ginawa nila nauuna ang pangalan niya sa billing, dahil ang paniwala naman ng mga producer noon, ang babae ang talagang dapat na mauna sa billing. Pero sabi nga ni Sharon, naniniwala rin siya na it’s about time na ibigay ang pangunguna sa billing kay Gabby.  

Sinabi rin niya na hindi problema sa kanya kung magkapantay man sila ng talent fee ni Gabby. Noon kasi ang leading lady ay laging mas malaki ang talent fee kaysa leading man, kasabihan nga na ang leading man ay support  lamang ng leading lady. Pero sabi nga ni Sharon, she doesn’t mind kung sa pagkakataong ito o sa kanilang reunion, magkapantay lang sila ng talent fee.

Iyon ang palagay naming magbabalik ng mga tao talaga sa sinehan.

About Ed de Leon

Check Also

electricity meralco

Hangga’t hindi resolbado
ERC ‘WAG GUMAWA NG AKSIYON SA BAGONG POWER DEALS — SOLON

HINILING ng vice chairman ng House committee on energy sa Office of the Solicitor General …

050624 Hataw Frontpage

Van bumaliktad sa Cebu 
2-ANYOS BATA, 1 PA PATAY, 21 SUGATAN

DALAWA katao ang namatay habang 21 iba pa ang nasaktan nang bumaliktad nang maraming beses …

PRO IV-A kinilala tagumpay, momentum ng anti-illegal drug ops

PRO IV-A kinilala tagumpay, momentum ng anti-illegal drug ops

GINAGABAYAN ng Philippine Anti-Illegal Drug Strategy, ipinagmalaki ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang mga pagsisikap …

705 KATAO ARESTADO SA ANTI-CRIMINALITY OPS NG LAGUNA PNP

Sa buwan ng Abril,  
705 KATAO ARESTADO SA ANTI-CRIMINALITY OPS NG LAGUNA PNP

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 705 personalidad sa Anti-Criminality Operation ng Laguna PNP …

2 manyak na kelot sa Bulacan tiklo

2 manyak na kelot sa Bulacan tiklo

DALAWANG lalaki na kabilang sa most wanted persons (MWPs) ang magkasunod na nadakip sa magkahiwalay …