Thursday , June 4 2026
Blind Item, excited man

Male startlet magulo ang kasarian, pwede sa bading at lalaki

HATAWAN
ni Ed de Leon

INAMIN daw ng isang male starlet sa isang kuwentuhan na naging boyfriend niya ang isang showbiz personality na hindi naman artista. 

Ang tanong ng isang reporter na nasa umpukan, “ano naging boyfriend ka niya?” 

Ang sagot daw ng male starlet ay, “hindi, siya ang naging boyfriend ko.” 

Inamin na ng male starlet na siya ay bading din at nagkagusto nga siya sa isang showbiz netizen, at inaamin niyang nagkaroon sila ng relasyon at sa relasyong iyon, siya nga ang lumalabas na gay.

Pero split na raw naman sila, inamin din niyang ngayon ay may karelasyon siyang isang rich gay na siyang nagsusustento sa kanya, at sa relasyon ay siya ang tumatayong lalaki. Paanong nangyari iyon eh sinabi na niyang gay siya?

“Ako ang gay kung gusto ko ang karelasyon ko. Kung hindi naman at siya lang ang may gusto sa akin, ako siyempre ang lalaki at siya ang gay,” sabi pa raw niyon. Ang gulo ng sexuality ng batang iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …