Friday , May 23 2025
Joey de Leon

E.A.T, Joey mabilis na humingi ng paumanhin; Showtime deadma

HATAWAN
ni Ed de Leon

MATAPOS punahin ng mga tao ang isang joke ni Joey de Leon at sinabi ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na iyon ay ipinasa na nila sa kanilang legal department para pag-aralan ang aspetong legal at malaman kung nagkaroon ng paglabag sa PD 1986 at sa implementing rules and regulation na kaugnay ng batas. Mabilis na inamin ng mga producer ng E.A.T. ang pagkakamali ng show at humingi ng paumanhin si Joey kung siya man ay nakalabag ng batas. 

Bagama’t alam naman nila na ang pagso-sorry ay hindi nangangahulugang absuwelto, dahil tiyak magpapalabas pa rin ang MTRCB ng sanctions kung sa tingin nila ay may paglabag sa batas at sa IRR niyon, at least ipinakita ni Joey at ng E.A.T.  na kinikilala nila ang kanilang pagkakamali, at handa silang tanggapin kung ano man ang sanctions na ipapataw sa kanila.

Isang napakagandang halimbawa niyan hindi lang para sa mga bata kundi para sa lahat, na kung ikaw ay may nagawang pagkakamali aminin mo na iyon at humingi ka ng paunmanhin. Iyon ay pagpapakitang walang malisya ang pagkakamali mo.

Taliwas iyan sa ginagawa ng ABS-CBN at ng It’s Showtime, matapos silang bigyan ng sanctions dahil sa kanilang pagkakamali, ayaw pa nilang tanggapin iyon. Nagsimula pa sila ng isang kampanya para magbitaw si Chairman Lala Sotto dahil sa pagiging biased dahil ang kanyang ama at tiyo ay nasa isang show na kalaban ng Showtime

Wala ring tigil ang kanilang trolls at pra la la, nga member of the press (sic) na kilalang malapit sa kanila na binabanatan ang MTRCB at kinaladkad pa nila iyon at sinasabing isa raw iyong gender issue dahil nga bakla si Vice Ganda at asawa niya si Ion Perez, natural ang gusto nila ay makuha ang simpatya ng mga bakla para kumampi sa kanila. Pero marami namang mga bakla ang nasa wastong isip. Bakla sila pero hindi naman sila utak biya. Aminado silang may malisya nga ang nakitang kilos nina Vice at Ion sa kanilang show. Sino ba ang mas makauunawa sa ginagawa ng mga bakla kundi mga bakla rin?

Sina Vice at Ion, nang mangyari iyon ay mabilis na nag-abroad, para hindi na nga sila humarap sa adjudication committee ng MTRCB kung sakali silang ipatawag. 

Samantala tuloy ang ginagawang pambu-bully ng kanilang mga supporter sa MTRCB at may nagbabanta pang baka raw mapatay si Chair Lala o ma-rape dahil sa ginawang pagsuspinde sa Showtime, ganoong hindi naman siya kasali sa gumawa ng desisyon. Sa 30 miyembrong bumoto, 27 o masasabing unanimous decision ang ginawang pagsuspinde sa It’s Showtime, kaya ang sumunod naman nilang issue ay alisin na ang MTRCB dahil ang daming pinasusuweldo ng bayan. Talagang bullyhan na lang ba ang laban ngayon?

Ngayon aapela sila sa tanggapan ng Presidente, kay BBM na noon ay tinatawag nilang, “anak ng diktador at magnanakaw.” Ano nga ba ang isinisigaw pa ni Vice Ganda noon sa mga political rally ng mga pinklawan? Palagay ba nila mabu-bully nila ang presidente ng PIlipinas? Iyan ang subukan nilang gawin at tingnan natin kung ano ang mangyayari sa kanila.

About Ed de Leon

Check Also

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

RATED Rni Rommel Gonzales SUCCESSFUL ang kauna-unahang FAMAS Short Film Festival kamakailan sa Music Museum sa Greenhills, …

Ashley Ortega PBB

Ashley nabiyayaan ng maraming project pagkalabas sa Bahay Ni Kuya

RATED Rni Rommel Gonzales NAGING housemate si Ashley Ortega sa loob ng tatlong linggo sa Bahay Ni …

Toni Co

Produ ng Ikalawang Ina nag-P.A. muna bago nag-artista

MATABILni John Fontanilla BAGO pinasok ang pag-arte, naging production assistant muna si Toni Co ng …

Pia Wurtzbach Jauncey Jeremy Jauncey

Pia ayaw nang gamitin ang apelyidong Wurtzbach

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizens ang nagulat at nagtaka na ‘di na ginagamit ni 2015 Miss …

Ariel Daluraya

PGT Ariel Daluraya puspusan ang pagsasanay

MATABILni John Fontanilla SOBRANG saya ng singer  na si Ariel Daluraya dahil nakakuha ito ng four yess …