Tuesday , July 16 2024
Blind item gay male man

Male star side line lang ni bading, mas target si poging male model

ni Ed de Leon

NOONG una ay iwas na iwas sa kakaibang sideline ang isang male star.  Una sinasabi nga niyang siya ay may asawa na at may anak na. Inaamin naman niyang may experience na rin siya. Pero matagal na raw iyon noong bata pa siya.

Pero natukso rin yata siya. Pumatol siya sa showbiz gay na nangako namang hindi kakalat kung ano man ang mangyayari sa kanila. May nangyari nga, nagkaroon siya ng pera, no sweat naman sa kanya dahil wala namang ginawang hindi niya gusto, at hindi naman kumalat iyon kaya sa mga sumunod na pagkakataon, sa tuwing yayayain siya ng showbiz gay ay sumasama naman siya at ibinibigay ang gusto niyon. 

Naging open na rin siya sa showbiz gay, na nangako naman sa kanyang tutulong sa kanya. Kaya lang iba talaga ang target ng showbiz gay, na walang dudang basta nakuha niya ay kakalimutan na ang male star. Obssesed kasi ang showbiz gay sa isang poging male model na matagal na niyang sinusundan, hindi nga lang niya masingitan dahil masyado iyong big time. 

Eh baka ngayong malamlam na rin ang career niyon, magkaroon na ng pagkakataon si BADING.Tiyak na mas type pa rin niya iyon kaysa male star na nakaka-date niya ngayon.                                          

About Ed de Leon

Check Also

Maris Racal Rico Blanco Anthony Jennings

Maris nilinis pangalan ni Anthony; Rico pinagtagpo pero hindi itinadhana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ANTHONY is out of the picture.” Ito ang agad na nilinaw …

Bini SB19 Flow G

SB19, Bini pinadagundong ang Araneta, Puregold’s Thanksgiving Concert star studded

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBINGI at parang nasira ang aming ear drum sa sobrang …

Alden Richards It’s Showtime

Alden nagkaroon ng biglaang meet & greet sa It’s Showtime 

I-FLEXni Jun Nardo INAKYAT ni Alden Richards ang itaas na bahagi ng It’s Showtime studio nang mag-guest siya sa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male Starlet walang maipagmalaking project kahit nakakontrata sa isang kompanya

ni Ed de Leon ANG bagay nga sigurong project para sa isang male starlet ay “Bata. Bata …

James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay …