Wednesday , June 19 2024
Michael Flores

Michael Flores na-scam

HATAWAN
ni Ed de Leon

INVESTMENT scam, iyan ang isa pang sakit sa internet. May mag-aalok sa inyo ng investnment proposal, napakaganda ng pangako, maniniwala kayo. Sa mga unang buwan, naibibigay ang tubong ipinangako sa inyo. Kapag tumagal mawawala na at wala na rin ang pera ninyo.

Isa pala sa naging biktima ng ganyan ay ang actor at dancer na si Michael Flores, na limang taon na raw ang nakararaan, hindi pa rin nahuhuli at nagtatago pa rin ang nang-scam sa kanila.Hindi naman sinabi ni Michael kung magkano ang na-scam sa kanya pero kung maliit lang iyon, hindi na niya papansinin. Naalala tuloy namin ang isa pang male star na nasangkot sa ganyan. Naniwala siya sa kanyang mga principal na malaki ang tutubuin ng pera, siya ang nag-recruit ng maraming investors at dahil nga artista siya, magagara ang kotseng dala, pinaniwalaan siya. 

Dumating ang panahon na pumutopk na ang scam, siya ang hinahabol ng mga investor. Nagipit siya nang husto, at isang araw nakita na lang siyang nag-suicide, nagbigti sa kanilang hagdan. Sayang na bata. Pero siya man ay biktima rin at ang kanilang mga principal nakakawala rin.

Kaya kung may mag-aalok sa inyo ng investments, na napakalaki ang tubo, huwag na kayong sumama dahil malamang sa hindi scam iyan.

About Ed de Leon

Check Also

Andrea nagpagulong-gulong at umiyak, picture pinusuan ng Koren star 

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang maiyak ni Andrea Brillantes pagkatapos i-heart ng isang Korean star ang litrato …

Liza Soberano Julia Barretto Kathryn Bernardo

Liza at Julia ‘di issue mag-unfollow man kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung bakit parang issue pa na nag-unfollow si Liza Soberano at Julia Barretto kay Kathryn …

Maine Mendoza TV5

Maine Mendoza ‘di binastos nagpakuha ng selfie

HATAWANni Ed de Leon BINANATAN ng isang netizen si Maine Mendoza dahil nagpa-picture nga raw iyon pero hindi …

Jhong Hilario Vhong Navarro Ogie Alcasid Vice Ganda

Ogie, Jhong, Vhong ‘nakakanti’ rin ni Vice Ganda

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung paanong natatagalan ng mga kasama niya sa show si Vice …

DingDong Dantes Marian Rivera Zia Sixto

Marian tagos sa puso mensahe kay Dingdong sa Father’s Day 

I-FLEXni Jun Nardo SIMPLE pero tagos sa puso ang mensahe ni Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes sa Facebook nito …