Tuesday , November 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal, Rider

210 lbs. delivery rider, tiyan pinaliit ng CPC at Krystall herbal oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Reynaldo Matienzo, 34 years old, isang delivery rider, at kasalukuyang naninirahan sa Camarin, Caloocan City.

         Medyo nagkaproblema po ako last 2 months ago sa aking weight  na 210 pounds  at 5’6” na height. Masyado na po kasi akong mabigat sa motorsiklong ginagamit ko bukod do’n medyo nabibigatan na rin po ako sa sarili ko.

         Single pa naman po ako, pero may girlfriends na po, este girlfriend po, at kahit siya, matagal na akong kinukulit na magbawas ng timbang.

         Siyempre gusto ko naman magbawas ng timbang, sino ba naman ang hindi kaya lang dahil sa hirap ng trabaho at pagod ay talagang lagi akong napapalakas ng kain.

         Hanggang isang araw, inirekomenda sa akin ng GF ko na mag-CPC raw ako at maghaplos ng Krystall Herbal Oil sa tiyan para mabawasan ang laki nito.

         Sabi ko, ano ba ‘yung CPC? ‘Yun pala ‘yung  camote-potatoe-carrots shake na ibe-blend at siya kong iinumin. ‘Yung Krystall Herbal Oil naman, ay ihahaplos kong pabilog saka ilalabas sideward ang aking mga kamay.

         Siyempre noong una medyo tingin ko abala lang sa paghahanapbuhay pero nang nahihirapan na rin ako sa timbang ko, sinubukan ko nang gawin.

         Dahil ang CPC ay may epektong ilabas lahat ang mga dapat ilabas sa tiyan, kailangan nasa bahay lang ako kapag ginawa ito, kaya once a week lang. Ang haplos ng KRYSTALL sa aking tiyan ay ginagawa ko bago matulog at sa paggising sa umaga bago ako magbanyo.

         Two months ago na po nang simulan ko, hindi ko na sasabihin kung ilang lbs ang nabawas sa akin, pero  definitely, lumiliit po ang tiyan ko at gumagaan ang pakiramdam ko.

         Ito po ang pinakakomportableng pagbabawas ng timbang na nagawa ko kaya ako po’y tuwang-tuwa at lubos na nagpapasalamat sa inyo Sis Fely.

         Nawa’y huwag kayong magsawa sa pagtuklas ng mga bagong bagay o produkto na makatutulong nang malaki sa kalusugan.

         Muli, maraming salamat po.

REYNALDO MATIENZO

Caloocan City 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Araneta City Holiday Mall Hours, and Christmas Activities

Araneta City Holiday Mall Hours, and Christmas Activities

Araneta City officially welcomed the holiday season with the lighting of its iconic giant Christmas …

FPJ Youth 4000 biktima bagyong Uwan

Sa kanilang 2-relief drive
FPJ Youth namahagi ng mainit na pagkain sa 4,000 biktima ng bagyong Uwan

NAGHATID ang FPJ Youth ng mainit na pagkain sa mahigit 4,000 indibiduwal sa walong probinsiya …

DOST DICT FMOGH

Cybersecurity Essentials Workshop for First Misamis Oriental General Hospital

#YourDICTRegionX continues to champion a cyber-secure Northern Mindanao! On October 16, 2025, the DICT Region …

DOST RIC Citronella

Citronella Convention Culminates with a Call for Collaboration and Action

LAL-LO, CAGAYAN — The 1st Regional Citronella Convention held in Lal-lo, Cagayan concluded on a …

SM Foundation efmin Elementary School JES

All geared up for growth, continuous learning

Integrated schools have become a key component of Philippine education as they provide a seamless …