Saturday , June 21 2025
Maricel Soriano Lea Salonga Ligaya Salonga

Maricel ‘di pwede ang loloko-lokong anak; Lea nasubaybayang mabuti  ni Ligaya

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATAWA kami at natuwa rin sa nakita naming kapirasong internet interview sa Diamond star na si Maricel Soriano na sinabi niyang hindi puwede sa kanya ang loloko-lokong anak. Ang katuwiran niya, siya ang ina at dapat na sumusunod sa kagustuhan niya. After all sino nga ba namang ina ang nag-isip ng hindi mganda para sa kanyang mga anak.

Ginawa ni Marya na example ang kanyang sarili. Noon nga naman kung tutuusin siya na ang bumubuhay sa kanilang pamilya, lalo na noong makuha na siya sa John and Marsha, pero sabi nga niya, “wala akong ginawa ng hindi nagpapaalam sa nanay ko at basta sinabi niyang hindi, hindi. Hindi ako maaaring umangal. Hindi ko maaaring ipilit ang gusto ko at lalong hindi ko masabi na may hanapbuhay naman ako. Lahat ng ginagawa ko kailangan payagan ng nanay ko.”

Totoo naman iyon, iyang si Marya, bata pa iyan noon, natural malikot at takbo ng takbo sa set, pero basta sinaway iyan ng lola niya na lagi niyang kasama noon, tatahimik iyan.    

Totoo nga ang ikabubuti ng buhay ng isang anak ay nasa paraan ng pagpapalaki at pagdisiplina ng mga magulang. Tingnan ninyo iyong mga artistang wala sa ayos, makikita ninyo naging pabaya ang mga magulang, dahil takot din silang pagsabihan ang kanilang mga anak na kumikita para sa kanilang pamilya.

Iyan din ang madalas naming marinig noon kay Ligaya Salonga, nanay ng Broadway star na si Lea Salonga. Madalas niyang sabihin, “sabihin na nila kung ano ang gusto nila pero ang pagiging nanay ko ay hindi ntatapos sa pag-akyat sa stage ng aking anak.”

Kaya kahit na noong malaking star na si Lea, ang ermat niya ay lagi pa ring nakabantay at kadalasan ay gumagawa ng desisyon para sa kanya. Sinasabi nga niya, “ang mag-aalaga lang ng totohanan sa anak ko ay ako.”

Iyang mga ganyang showbiz parents ang ok.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Claudine Barretto

Claudine may pinagdaraanan, ninenega sa socmed

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI naman ang naawa kay Claudine Barretto dahil sa kasalukuyang pinagdaraanan na tila …

Marian Rivera Pokwang Jay Joseph Roncesvalles

Marian, Joseph, at Pokwang hurado sa isang dance competition

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UUPONG hurado sa Stars on the Floor ang dancing queen na si Marian Rivera kasama …

Alden Richards Stars on the Floor

Alden itinuturing na pinaka-da best ang Stars on the Floor 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PROUD na proud si Alden Richards bilang host ng Stars on the Floor na magsisimulang …

SB19

SB19 hakot award sa 2025 Music Rank Asian Choice Awards Japan  

MATABILni John Fontanilla BIG winner sa Music Rank Asian Choice Awards Japan 2025 ang tinaguriang King of …

Kyline Alcantara Ruffa Gutierrez

Kyline life lesson mula kay Ruffa: always choose yourself

MA at PAni Rommel Placente MAY bagong serye si Kyline Alcantara sa GMA 7. Ito ang Beauty Empire, na …